PROLOGUE

217 6 0
                                    


*******


"Matutulog ka ba sa tabi ko?." tanong niya sa akin habang pinapanood siyang inaayos ang kanyang bag at humiga sa aking kama.


"Kung gusto mo akong katabi wala namang problema." pinilit kong ngumiti dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang aking nararamdaman sa muli naming pagkikita.


Ngumiti ito at tinapik ang kutson saka ako sinenyasan na tumabi sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala kung kaya humiga ako at tumabi sa kanya.


Kinuha nito ang aking kamay at nilapat iyon sa kanyang dibdib. Lalong lumakas ang kabog sa aking dibdib sa ginawa niyang iyon.


"Namiss kita." nakangiti nitong sabi at hinalikan ako sa pisngi at niyakap ako ng mahigpit kasabay ng pagdantay ng ulo nito sa dibdib ko.


"Hindi ko matiis ang sarili ko na hindi kita makita, kaya nandito ako." bulong nito at lalong humigpit ang pagkakayakap.


Tumulo ang luha sa aking mga mata sa narinig, muling bumalik ang lahat ng pagmamahal na pinipilit kong mawala.


"Huwag kang umiyak." ani nito matapos marinig ang pagsinghot ko. "Nandito ako, hindi ako mawawala, mahal na mahal kita."


Ngumiti ako rito at saka tumango. "Mahal na mahal din kita." ani ko at saka hinalikan ang noo nito bago pinikit ang aking mga mata.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon