CHAPTER 31

15 1 0
                                    

"JAE"


"Saan ba tayo pupunta?." tanong ko habang inaayos ang aking buhok sa salamin.


"Basta may regalo ako saiyo." sagot ni Jaro at muling tinutok ang mata sa panonood ng TV at kumagat sa hawak nitong sandwich.


"Regalo? eh hindi ko naman birthday." asar kong sabi pero nginisian lang ako nito at hindi na sumagot. "Ikaw ang may Birthday eh."


Nang matapos itong kumain at uminom ay inayos ko muna ang pinagkainan nito bago nagpaalam kay Tito Pords na aalis muna kaming dalawa at lumabas na ng bahay.


"Jeremiah." tawag rito ng mga tambay sa labas ng looban at kinawayan niya ang mga ito bago pumasok ng kotse, sumunod naman ako rito at saka nito pinaharurot ang sasakyan.


Sa Donya Severina kami nagtungo at nagtaka ako kung ano ang aming gagawin doon hanggang sa tinigil nito ang sasakyan sa isang Cafe at bumaba kami parehas. Nakita ko si Gerry at Willer na naroroon at nagkekwentuhan kung kaya nagulat ako at napatingin kay Jaro.


"Hindi yan regalo ko, kaya ko sila sinama para may makausap ako." sagot nito kahit hindi pa ako nagtatanong.


"Mamaya na tayo magkwentuhan." ani ni Gerry sa amin at lumampas kami sa mga ito at dinala ako sa isang burol at may nakita akong lalakeng nakaupo sa isang bench at nakatalikod ito sa akin. Pinag-aralan ko ang pigura ng nakaupo at napatingin ako kay Jaro nang makilala kung sino iyon.


"Enjoy!." nakangiti nitong sabi at hinalikan ako sa noo bago tumalikod at umalis. Napalunok ako nang muling lingunin ang lalakeng nakaupo at dahan-dahang lumapit rito, rinig na rinig ko ang pagkabog ng aking dibdib habang papalapit ako ng papalapit sa taong sobra kong namiss at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin.


"K-Kai." tawag ko nang makalapit rito at agad itong lumingon sa akin at bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Agad itong tumayo at kinulong sa mga bisig nito.


"Jae." bulong nito sa akin at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin kung kaya gumanti rin ako ng yakap rito.


"Mahal na mahal kita Jae." sabi nito at nanlaki ang mga mata ko ng marinig iyon sa bibig nito. "Patawarin mo ako kung nagawa ko iyon sa iyo pero promise mahal na mahal kita."


Doon na tumulo ang luhang pinipigilan ko kanina, ewan pero hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko dahil parang hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nito, kung kaya kumalas ako rito at saka tiningnan ang mukha nito.


"T-totoo bang mahal mo ako?." basag ang boses kong tanong dito at tumango ito.


"Mahal na mahal." sagot nito at hinalikan ako sa aking labi. Napapikit ako ng maramdaman ang labi ni Kai at gumanti rin ako ng halik dito bago kumalas.


"Paano nangyari?." hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nito at hinila ang kamay ko para makaupo kaming pareho at pinisil-pisil iyon.


"Nung Fiesta dapat aamin na ako sayo nun, tanda mo nung yumuko ako sa harapan mo?." tanong nito at tumango ako. Naalala kong tumawag si Raffy noon kung kaya kinailangan ko siyang puntahan.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon