CHAPTER 17

24 1 0
                                    

"JAE"

"HAAAAAH?." gulat kong reaksyon nang marinig ang sabi sa akin ng OA Governor namin dahil sa aking pagsigaw ay nakakuha ako ng atensyon mula sa mga estudyanteng naglalakad sa hallway at agad akong sinaway ng kaharap ko. "Bakit ako?." inangat ko ang aking hintuturo at tinutok sa akin.


"Ikaw kasi ang capable Casper." di mo alam kung may halong pagmamakaawa ba ang ngiti nito sa akin at nagulo ko ang aking buhok.


"Ang dami naming lalakeng students dito, bakit sa dinami-rami eh ako pa?." muli kong tanong at napahawak na ito sa aking braso.


"Casper isa ring advice sa amin ni Sir Magdayao na ikaw ang kunin kasi ikaw lang ang nag-iisang lalake na nakapasok sa Top 10 nung Entrance Exam dito sa Department." mahabang litanya nito. "Sige na, ikaw nalang ang aming chance."


Napairap ako napabuga ng hangin sa narinig. Kaya pala, eh hindi ko naman ginusto makapasok sa Top na yan noon ah, yun pala maaaring gawing advantage iyon para mapilit ako sumali sa pageant. At never pa ako nakasali sa mga ganyan ano, nakakahiya pa naman at di ko maiwasang mapapikit ng maisip na mayroon nga pala iyong Question and Answer, nalintikan na talaga!.


"Wala na ba akong choice na humindi?." tanong ko at nagsimulang maglakad papalayo pero agad ako nitong pinigilan kasama ang iba pang officers.


"Casper sige na, wala kang gagastusin dahil lahat ito ay shoulder ng buong Department." sabi nito at saka ako napaatras ng lakad at humarap sa mga ito.

"Talaga?." tanong ko at tumango ang mga ito.


Napatingin kami ng marinig si Sir Magdayao na tinatawag kami, lumapit kami rito at pinapasok sa loob ng Faculty room at pinaupo sa sofa na naroroon.


"So Mr.Esculente." tawag nito sa akin matapos umupo sa aking harapan at may pinatong na papel sa lamesa.


"Nakapag decide ka na ba?." tanong nito at napatingin ako sa aking mga kaharap at nakangiti ang mga ito sa akin na parang umaasa ng magandang balita.


"Hindi pa rin ako sasali." sagot ko at rinig ko ang pagkadismaya nilang ungol.


"Sige na Mr.Esculente, as they've said wala kang problema sa mga gagastusin at tanging sarili mo lang ang kailangan mong dalhin." ani nito sa akin at napataas ako ng kilay. "Basahin mo ito." inabot sa akin ang papel at pinasadahan ko iyon ng tingin.


"Sure na hindi maaapektuhan ang grades ko sa lahat ng subjects?." tanong ko sa mga ito habang binabasa ang laman ng papel at tumango ang mga ito. "Maigi naman."

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon