CHAPTER 22

19 1 0
                                    

"JAE"

At dahil matataas ang aming grade ng Midterm at nawalan kami ng pasok ng 4days dahil sa Seminar ng aming mga Prof, naisip naming mag-outing magkakaklase para naman makapag relax. After ng insidente sa classroom tungkol kay Stephanie ay walang ginawa ang mga kaklase ko kundi asarin siya at sa akin sumama ang mga kaibigan nito.

Ilang days din kami nagprepare at sinuggest ko ang resort sa Donya Victorina kung saan kami nagswimming nina Raffy before ang pasukan ko, at pumayag naman silang lahat.

Sinagot ko na ang magiging cottage namin para sa overnight stay para naman mas enjoy ang lahat, ang mga classmates ko namang sumama ay nagpares sa tig dalawa at nag-ambagan para sa kanilang mga dadalhing pagkain.

Pasado alas otso na ng gabi nang matapos kami sa huling klase at nagpaalam akong iihi muna at hintayin ako sa labas, mayamaya ay tumunog ang cellphone ko habang naghihilamos at mula kay Jaro ang message.

"Nauna na kami." message nito at napasimangot ako. Sabi nang hintayin ako eh, nakakainis naman. Sineen ko nalang at saka nagmamadaling lumabas ng matigilan ako paglabas ko ng gate.

"Ginagawa mo rito?." tanong ko nang makita si Kai na nakasandal sa pader.

"Hinihintay ka." nakasimangot nitong sagot at lumapit sa akin. Napatingin naman ako sa ibang mga estudyanteng lumalabas ng kinuha nito ang aking bag at sinukbit iyon sa likod nito.

"Ako na." bulong ko pero pinigilan lang nito ang kamay ko at saka naunang naglakad kaya sumunod ako rito, napakamoody ha.

"Anong nakain mo at dinalaw ako?." tanong ko rito at pinipindot ang balikat nito, seryoso ba naman itong naglalakad na para bang walang kasama.

"Kai." tawag ko rito at tiningnan lang ako bago binalik ang mga mata sa kalsada.

"Wala lang bakit masama?." tanong nito at saka ako tumalon sa likod nito para i-piggy ride ako.

"A-aray Jae." reklamo nito at saka ako natawa. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko at saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Mabigat ba ako?." tanong ko pero ang tigas ng iling nito.

Pinatong ko nalang ang baba ko sa balikat nito atsaka pumikit, shet kinikilig ako sa eksena namin ngayon, pero hindi rin naman ako nagtagal dahil ng malapit na kami sa hi-way ay bumaba na ako. Niyaya ko siya pumunta ng Lazaro at saka doon kami nagdinner na dalawa, tapos ay nag gala lang kami kaunti saka umuwi dahil malapit na rin mag 10 at tama nga hula namin, tricycle na ang sasakyan namin pa Muñoz dahil walang jeep at bus, hayssss.

~

"Hala ang daming foods." sigaw ni Willer ng mailapag nina Carmella at Bella ang spaghetti at menudo na dala nila, may dala ring brownies si Bella na binake nito sa isang malaking tupperware.

"Syempre di masaya kung hindi tayo magsiswimming." sigaw naman ni Gerry at naghubad ito saka tumalon sa pool, nagsunuran naman ang iba rito at saka sila naglaro doon.

"Ikaw di ka maliligo?." tanong ni Valerie sa akin habang pinapanood ko sila.

"Mamaya na ako." sagot ko at saka nagpaalam na babalik sa cottage.

"Kala ko naligo ka." ani ni Jaro habang nakahiga at naglalaro sa cellphone nito, kaya tumabi ako.

"Mamaya nalang." ani ko at hinilig ang ulo ko sa balikat nito para mapanood ang nilalaro.

Niyaya ko si Kai kung gusto niya sumama magswimming kaso ay ayaw naman nito at nahihiya sa mga kaklase ko kung kaya di ko na pinilit, basta lang daw update ko siya kung kamusta ako at ano ang ginagawa ko, how sweet diba?.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon