CHAPTER 5

21 2 0
                                    

KAIDEN JOHN "KAI" AMBROSIO



"Kai tanghali na!." rinig kong sigaw ni Mama kaya tuluyan na akong bumangon sa pagkakahiga. Wala akong magawa kung hindi sumunod dahil baka hindi na ako bigyan nito ng pera.


Kinuha ko ang tuwalyang nakasampay sa aking kwarto at nagmamadaling bumaba para maligo. Nang matapos ay agad akong nagbihis ng aking uniform at nagsuot ng sapatos bago kinuha ang aking bag atsaka lumabas ng kwarto.


"Kumain na kana." utos ni Mama at umupo ako sa lamesa at nagsimulang kumain. Sinundan ko siya ng tingin at bumalik ito sa pagtutuhog ng bituka ng manok para sa negosyo naming Ihawan.


Matapos kumain ay tumayo na ako at nilagay ang pinagkainan sa lababo at bumalik sa banyo para magtoothbrush.


"Ma baon." lapit ko rito at tinuro nito ang pera sa ibabaw ng ref. "Aalis na ako."


"Umuwi ka agad at tulungan mo ako magbenta." habol pa nito at napaikot nalang ako ng aking mga mata at lumabas ng bahay.


"Aba, aba himala pumasok ang kaibigan ko." bungad sa akin ng kaibigan kong si Ranz ng makita akong pumasok sa aming classroom.


"Wala na akong pangcomputer kaya kailangan pumasok." ngisi kong sagot rito at saka umupo sa aking pwesto.


"Oh ano? puyat tayo mamaya?." tanong ni Ranz sa akin habang nagkaklase. Tumango naman ako rito.


"Oo pero sunod nalang ako kasi tutulong ako sa ihawan." sagot ko rito at saka binalik ang tingin sa blackboard.


Nang matapos ang klase bandang alas tres ay agad akong tumayo at saka dali-daling lumabas ng School.


"Woi, mamaya ha." sigaw ni Ranz sa akin at kumaway ako rito bago patakbong umuwi.


"Maigi naman at naririto kana." sabi ni Mama ng makita akong dumating at napansin kong busy na nga ito.


"Wala pa si Thalyn?." tanong ko at binaba ang aking bag sa terrace at naghubad ng polo.


"Wala pa, at may gagawin raw silang project." sagot ni Mama at kinuha ko na rito ang abaniko para tulungan itong mag-ihaw.


Mabilis maubos ang aming paninda, hindi ko rin alam kung bakit pero talagang dinadayo pa ito kahit mga taga ibang Barangay, natutuwa naman ako dahil ito ang napapagkunan namin ng panggastos araw-araw at ito rin ang nagtutustos sa aming pag-aaral.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon