CHAPTER 14

24 1 0
                                    

"JAE"



Nang sumapit ang weekdays ay ang School naman na papasukan ko ang aking inasikaso. Sakto at Day Off ni Raffy kung kaya nasamahan ako nito puntahan ang Buklod University para makapag-inquire.


"Sure ka na bang dito ka?." tanong niya sa akin habang nakasakay sa Jeep.

"Pwede naman." sagot ko rito. "Kung hindi ako makakapasa edi kina Denver ako eh."


"Mas maganda kasi dun sana, pero ayos lang din naman dito." sagot niya at tumango ako.

Pagdating sa School ay agad akong hinarang ng Guard at hindi pinapasok kaya nagtaka ako kung bakit.

"Bawal ripped jeans Sir." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito at nagkatinginan kami ni Raffy.

Wala akong choice kundi bumalik ulit ng Muñoz para magpalit ng pantalon. Tinawanan lang ako maigi ni Raffy at sinabihang hihintayin niya nalang ako sa labas ng school kung kaya nagmamadali akong umuwi.


"Ayan ayos na." sabi nito ng bumalik ako at hingal na hingal. "Tara na."

Nakapasok na kami sa loob at marami-rami ring tao doon na naghahanap ng mga courses na pwede nilang kunin.

"Saan mo ba gusto?." tanong nito sa akin.

"Try ko sa Educ." sagot ko at hinanap namin ang Education Department at pumila roon. Mahaba ang pila pero naging mabilis lang naman at kinabahan ako ng makita ang mukha ng mga lumalabas sa loob ng kwarto.

"Parang mahirap Interview." bulong ko kay Raffy at naghanda na ako dahil ako na ang susunod.


Pero wala pang limang minuto sa loob ay tapos na ako. Sa totoo lang ay di ako nakapasa dahil di ko talaga nasagot ng maayos ang mga tanong ng Dean ng Education kaya ending hindi nakapasa at nag-offer ito ng ibang courses.

"Ano kamusta?." tanong ni Raffy ng makalabas ako.

"Hindi ako nakapasa." napakunot ang noo nito dahil bigla akong natawa.

"Siraulo anong nakakatawa?." tanong nito at napatingin ako sa mga nakapilang nakatitig sa akin.

"Wala lang may ibang courses pa naman, inalok ako dun sa Office Ad." sagot ko at hinila ito patungo sa kabilang Department at nagfill-up ako ng form at pumila.

Mabilis lang din ang Interview at nagulat ako ng lagyan ako ng score na 4 out of 5. At sinabing bumalik ako for Entrance Exam kaya nagpasalamat ako bago lumabas ng room.


"Entrance exam na ako." balita ko kay Raffy at nagtilian kaming dalawa.

"So deretso ka na?." tanong nito at tumango ako. Nagpaiwan ito sa baba kung kaya umakyat ako sa 2nd floor at hinanap ang room for Entrance Exam, pinakita ko lang ang aking form at pinaupo na ako sa loob.


"Okay aspiring students, You only have 1 hour and 30minutes to take the exam." bati ng nasa unahan namin ng mapuno kami sa loob.

"The Exam contains of 5 parts, History, Reading Comprehension, Basic Math, Filipino and Logical Questions." paliwanag nito at pasimple kong ginala ang aking paningin.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon