CHAPTER 62

20 1 0
                                    

"RANZ"

"Check-up na nga pala ni Rhea bukas." agad akong napalingon kay Kai ng marinig iyon.

"Talaga ba?." tanong ko at tumango ito. Pumunta ako sa kanila ngayon dahil balak ko magtanong sana kung kailan check-up ni Rhea pero talagang dadaan ako sa simbahan mamaya para magpasalamat dahil hindi niya ako pinahirapan.

"Oh uminom ka niyan para mawala ang sakit ng ulo mo." abot ko rito ng softdrinks at saka tumayo para umalis na dahil pupunta kami ni Jaro ng Center.

"Tangina ka ang aga softdrinks, saan ka ba pupunta?." tanong nito sa akin.

"BABALIK AKO!!!." Sigaw ko at saka nagtatatakbo patungo sa Center.

Sakto naman at kabababa lang ni Jaro ng sasakyan ng dumating ako kung kaya tumigil ako at saka naghabol ng hininga.

"Bukas check-up nina Rhea." balita ko sa kanya at nang maayos na ako ay pumasok na kami sa loob na dalawa at nagtungo sa OB ng Center.

"Good Morning." bati ni Jaro ng makapasok kami sa loob, humingi ito ng tulong sa Ninang nito na Doktor doon kung kaya nakausap agad namin ang OB.

"May gusto lang ako malaman, kung may pasyente kang chinecheck dito na Andrea Silay ang pangalan?." tanong ni Jaro rito at chineck naman ito ng kausap.

"Yes Sir bakit po?." nakangiti nitong tanong rito.

"Ah kasi gusto ko sana na i-recommend mo siya sa Clinic namin dahil kaibigan ko ang tatay ng bata." paliwanag ni Jaro rito.

"Kumbaga para mas ma-check ng maayos yung kanyang pagbubuntis, kasi ako magiging Ninong nun." dagdag pa nito.

"Sige po Sir." sagot nito at saka pinasulat kung saan ang address nung Clinic at ginawa naman ni Jaro.

"Please, if ever na magtanong sila, wag mong sasabihin na may nagpunta rito. Ang sabihin mo lang ay doon ay isa siya sa napili ng Clinic para macheck-up hanggang sa manganak ito ayos ba?."

"Ang bait niyo naman Sir, wala pong problema masusunod po." tangong sabi ng Doktor at nakipagkamay rito at saka umalis doon..

"Makasabing mabait di niya alam pito sungay ng mga kaharap niya." ani ko ng makasakay kami ng kotse ni Jaro.

"Oo nga, di niya alam eh may masama tayong balak." nagkatawanan kaming dalawa ni Jaro at nag-apiran pa.

Nagpababa na ako sa bahay at piniling huwag na sumama rito patungo sa Clinic ng Tita nito. Sabi ko ay pupuntahan ko nalang si Kai para makipagkwentuhan at pagaanin ang loob nito kung kaya hindi na rin nagtagal si Jaro.

"Balitaan moko." kaway ko rito bago pinaharurot ang sasakyan.

"JARO"

Mabilis lang ang naging biyahe ko dahil malapit lang naman sa boarder ng Muñoz at Buklod ang Clinic, tumawag na rin naman ako sa Tita ko para malaman nitong pupunta ako.

"How are you?." nakangiti nitong bati sa akin ng pumasok ako sa opisina nito.

"Miss you tita." bati ko rito at nakipagbeso rito.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon