CHAPTER 8

23 1 0
                                    

"JAE"



Nagkita-kita nalang lahat ng kasama namin sa labas ng 7eleven bandang alas dos ng hapon. Napakarami naming bitbit na pagkain at ang iba ay tira pa sa mga ulam nung fiesta. Mag overnight pala daw muna kami sa isang Peak sa Doña Severina at kinabukasan pa kami ng umaga aakyat sa Mayana.


Nagchat naman si Kai at sinabing mag-ingat daw kami at humingi ng sorry dahil di ito makakasama. Hindi naman na ako galit at naiintindihan ko naman ito, tutal wala naman akong karapatan talaga kung kaya gusto ko nalang mag-enjoy habang bakasyon ko pa.


Sumakay kami ng Bus at isa't kalahating oras din ang biyahe ng makarating kami sa Joroz Peak. Maayos naman na lahat dahil napareserve na ito ni Roselyn kung kaya wala na kaming naging problema.


Nakakalungkot lang dahil walang signal doon, pero parang Baguio sa lamig yun lang din at hindi ko masyadong naenjoy dahil nung gabi ay pabugso-bugso ang ulan.


"Swimming tayo?." anyaya ni Ranz matapos naming kumain ng dinner. Pumayag naman ako at nagpunta kaming dalawa sa banyo para magpalit ng damit.


"Ang lamig." sigaw nito ng tumalon sa pool. Nang tumalon ako ay tagos hanggang buto ang lamig pero ewan bakit gusto ko yung ganito kesa sa mainit na tubig.


"Sayang wala si Kai." ani nito habang nakatambay kami sa gilid ng pool.


"Oo nga eh." sang-ayon ko rito at nagbasa ng mukha.


"Gago kasi yun, mas inuna pa makipag-date, eh mas masaya yung ganito." reklamo nito at nagsimulang lumangoy.


Hindi nalang ako nagsalita at lumangoy nalang din para di nito mahalata. Oo nga inuna pa makipag-date sana di siya sagutin nun.


Sa sobrang pag-iisip ay di ko namalayang magkakabanggaan kami ni Ranz at huli na para makaiwas kaya nagsalumpok kaming dalawa.


"Aray." daing ko at napahimas sa noo ko.


"Ay sorry Jae." ani nito at lalo akong nanlamig ng maramdaman ang paghawak ng kamay nito sa noo ko at hinimas iyon.


"A-ayos lang." ngiti kong sagot at lalo itong lumapit sa akin hanggang sa magdikit ang aming katawan.


"Jae." mahina nitong banggit sa pangalan ko at lumipat sa aking likuran. Niyakap nito ang aking bewang dahilan para mapalitan ng init ang nararamdaman kong lamig.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon