"KAI"
Siguro naman ay di ko na kailangang pagselosan si Jaro dahil si Jae ay kusang pumupunta sa akin, pero para makasiguro ay sinusundo ko na rin siya sa School oha?!. After ko umuwi sa bahay tumutulong muna ako sandali sa aming ihawan saka siya susunduin kapag may night classes siya, pero kung wala naman at hapon ang labas niya ay dumederetso na ako sa School nila at gumagala kami. Atleast nawawalan sila ng time ni Jaro.
Syempre hindi ko rin naman sinasabi kay Jae na nate-threatened ako, dahil humahanap din ako ng tyempo para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
Napangiti ako ng makita si Jae na lumabas ng gate kasama ang mga kaklase nito, syempre hindi mawawala si Jaro na akala mo naman ay napakagwapo, matangkad lang to pero kayang-kaya kong labanan to ng suntukan.
"Kai." takbong lapit ni Jae sa akin at kinuha ko ang bag nito saka sinukbit sa likod ko. Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Jaro kung kaya nginisian ko ito. Kala mo ha.
"Mauuna na kami." paalam ni Jaro at kumaway ako sa kanila na naunang naglakad palayo.
"Oh, kamusta klase?." tanong ni Jae sa akin, nakauniform pa ako, sa totoo lang ay di ako pumasok ng hapon, pero hindi ko na sasabihin sa kanya iyon.
"Aahh, may meeting ang mga teachers kaya wala kaming klase." sagot ko nalang at saka inaya na ito maglakad.
"Ang init." reklamo ni Jae kung kaya hinubad ko agad ang aking polo at pinatong sa ulo nito.
"Ayan para di ka mainitan." sabi ko at inayos ang puti kong tshirt.
"Kumain kana?." tanong nito at umiling ako, nagmamadali akong pumunta rito kaya cupcake lang ang laman ng tiyan ko.
"Mabuti, tara sa SM." sagot nito at nang may dumaang jeep ay sumakay na kaming dalawa.
"Hi Casper." napatingin ako ng may bumati sa kasama ko na tatlong babae.
"Hi." bati naman ni Jae at kinawayan ang mga ito. Tinanggal ni Jae ang polo at tiniklop iyon bago nilagay sa bag ko.
"May assignment ka ba?." tanong niya sa akin habang hinayaan ko tingnan niya ang mga notebook ko.
"Hala, akala ko si Jaro ang jowa niya." rinig kong kwentuhan ng mga babae.
"Naku, eh mas gwapo naman siya kay Jaro, pero bagay talaga sila ni Casper eh." ani ng isa pa.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)