CHAPTER 7

24 2 0
                                    

"JAE"



Alas syete palang ay busy na ang mga tao dito sa bahay sa pagluluto at paglilinis. Agad akong bumaba at saka nag-ayos ng sarili bago tumulong sa kanila kaso ay pinigilan naman ako ng mga ito.


"Magkape ka na lang dun, bisita ka rito." awat ni Tita Rosie nang akmang kukunin ko ang walis. "Sige na, kaya namin to hijo, nangumbida ako ng mga tutulong." nakangiti nitong sabi kaya wala akong nagawa kundi sundin ito.


Si Raffy at Dewie naman ay maagang nagpunta ng Buklod para mamili pa ng dagdag na kailangan. Tumunog naman ang cellphone ko at agad kong binasa ang chat na mula kay Kai.


"Morning, gising kana?." tanong nito at agad naman ako nagreply.


"Good morning, yep gising na ako." sagot ko at humigop muna ng kape bago muling sagutin ang chat nito.


"Nice, pwede ka na ng alas onse?." tanong nito muli at napangiti ako ng pasimple.


"Oo sige maliligo lang ako then chat kita kapag papunta nako ng palengke." kinikilig kong reply at saka pinatay muli ang cellphone ko.


Iba rin magyaya itong lalakeng to, nakakatuwa naman at naimbitihan ako kumain sa kanila. Mukha nga lang suplado pero sobrang bait naman.


Bandang alas nwebe na ng dumating ang dalawa dala ang maraming plastic kung kaya tinulungan ko ang mga ito.


"Raffy, siya nga pala diba may Street Dance at Arena Competition mamaya?." tanong ko rito nang matapos kami mag-ayos.


"Oo, alas dos yun." sagot nito at napatango ako.


"Doon nalang tayo magkita sa may Plaza." sabi ko rito at kumunot ang noo nito.


"Saan ka pupunta?." taka nitong tanong sa akin.


"Inanyayahan kasi ako ni Kai kumain sa kanila." napatutop ito ng bibig sa narinig.


"Seryoso?." pigil ang tili nitong tanong at ako naman ang nagtaka.


"Bakit?." tanong ko rito.


Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon