"ANDREA CORRINE SILAY"
Nagdududa na talaga ako kay Kaiden ngayon, buhat kasi nung puntahan siya sa School nung lalakeng matangkad na payat na mukhang binabad sa harina dahil sa kaputian pero mayaman yun at gwapo rin naman, Actually kilala yun dito sa amin dahil nasa Pulitika ang tatay at may Hacienda sila. Pero anyways mabalik nga tayo, simual talaga nung makausap niya yung Jaro nga ba yun? ah basta Dingsata apelyido nun, nag-iba na si Kaiden at hindi na katulad ng dati na talagang sweet kami pareho.
Tulad nga ngayon an lagi nang napopostpone ang aming date at talagang naiinis na ako dahil unfair na ito para sa akin, hindi na rin siya sweet katulad nung una at talaga namang halos di na ako nito kausapin.
Parang may mali talaga eh, habang tinitingnan ko itong boyfriend ko eh nakatutok lang sa blackboard na parang wala lang.
"Kaiden." tawag ko rito at lumingon ito sa akin.
"Bakit?." tanong nito at halatang ang tenga ay nasa discussion.
"Pwede ba tayo lumabas mamaya?." tanong ko pero umiling lang ito, at as usual talagang nagdududa na ako.
"Ganun ba?." tanong ko at tumango lang ito bago binalik ang tingin sa harapan.
Humanda to sa akin, may hindi ito sinasabi eh, may mali talaga. Huwag ko lang talagang malaman na niloloko ako nito ay talagang makakatikim sa akin ang kinololokoha nito, silang dalawa actually.
Kung kaya hindi nalang ako nagsalita at may nabuong plano sa utak ko, balak ko siyang sundan mamaya at mukhang may kikitain to kung kaya hindi nanaman siya pwede. Ilang beses na ganon eh.
Natapos ang aming klase kung kaya inayos ko na ang gamit ko nang marinig si Kai na may kausap sa cellphone. Nagmamadali ngunit dahan-dahan ko siyang sinundan para mapakinggan ang sinasabi nito.
"Talaga? sige laro ako mamaya." rinig kong sabi ni Kai. Ohhh, comshop pala ha.
"Oo ba, namiss ko na rin maglaro kasi pauwi na rin ako." muli kong narinig na sinabi nito at wala na akong narinig pagkatapos.
"Ginagawa mo diyan?." halos mapatalon ako ng may magsalita at agad akong napatingin rito.
"W-wala." patay malisya kong tanong at saka ito nginitian.
"Oh osige hatid na kita sa Gate." anyaya nito at saka pumasok sa room para kunin ang aking bag at bag nito saka kami naglakad palabas.
"Mag-iingat ka." paalam ni Kai nang makitang may papadaan ng bus at pinara ito. Akma sana akong hahalik rito pero iniwas nito ang mukha.
"May mga tao." awat nito. "Lakad na mag-iingat ka." ani nito at saka tinulak pasakay ng Bus.
Hays naku, humanda ka talaga sa akin mamaya. Nakakainis, gusto kong maiyak dahil bigla nalang talaga siyang nagbago ng ganito, kapag naman lalambingin ko ay naiirita sa akin kung kaya ang ending ay nag-aaway lang kami. Kung kaya hindi ko na rin ito masyadong kinakausap kung hindi rin lang ako kakausapin nito at madalas ay halos tungkol lang din naman sa School ang pag-uusapan namin at hindi tungkol sa aming dalawa, nawala na talaga ang sweetness na pinapakita nito nung una, ganun na lang ba talaga iyon? sa una lang ba talaga magaling ang mga lalake? pero may mga kaibigan naman akong may mga jowa pero talagang sweet pa rin sila kahit matagal na.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)