CHAPTER 38

9 1 0
                                    

"KAI"

Hindi ko rin naman mawari kung ano ang nangyayari sa aking kababatang si Ranz, aba'y tila yata may gusto to sa kaibigan ni Jae, kulang nalang ay magkasama kami nito iluwal dahil simula palang 2years.old ay magkasama na kami nito. Kung tawagin nga kami sa lugar namin ay "IISA ANG LIKAW NG BITUKA" dahil lagi kaming nagkakasundo sa mga bagay-bagay.

Nung unang bakasyon ni Jae rito at naramdaman ko nang parang may interes si Ranz sa kanya pero tila ayaw ni Jae dahil yun pala si Jae ay may gusto sa akin, kaya panay asar sa akin ni Ranz kay Jae, pero di ko naman pinapansin dahil parang wala naman kasi nga di rin naman nagpaparamdam sa akin si Jae na may pagkagusto ito although nagpapakita ito ng interes pero ang dating sa akin ay pang kaibigan lang, magaling din magtago ng nararamdaman tong aking mahal eh, talagang ako yung nahulog sa kanya.

Pero yun nga ay may problema pa ako dahil kay Rhea at ang nais ko nga ay sa huling linggo ng pasok namin dahil nga nagkakabalitaan na magkakaroon ng lockdown ang Luzon at mukhang maaapektuhan kami ay baka magsara bigla ang klase. Pero kahit anong mangyari ay talagang makikipaghiwalay ako kay Rhea dahil nahihiya rin ako kina Raffy sa ginawa nitong eskandalo sa Airport, buti nalang at hindi agad iyon napansin ni Tito Pords dahil kung hindi ay paniguradong malalagot ako.

Naglalakad kaming tatlo sa unahan ni Jae at Jaro habang nagkekwentuhan at nagkakayayaan pa ngang tumambay muli kina Jaro dahil tag Mangga na, kung kaya pumayag kami. Samantala ang aso't pusa ay nasa likod at walang ginawa kundi magbangayan ng magbangayan.

Malakas talaga saltik sa ulo ng aking kaibigan at kahit si Zee na nananahimik lang ay walang ginawa si Ranz kundi asarin ng asarin.

Pagdating sa plaza ay nagpaalam ako at si Jaro na bibili ng Ice cream para matanggal ang umay sa aming kinain, buffet iyon, talaga namang sinulit namin dahil bihira lang kami kumain sa ganoon.

"Ano ba gustong ice cream nila?." tanong ni Jaro sa akin habang naghahanap ng flavors.

"Ito nalang mahilig ka ba dito?." tanong ko habang hawak ang isang galon ng cookies and cream, paborito ni Jae.

Tumango naman si Jaro kung kaya yun nalang napagdesisyunan naming bilhin at habang naglalakad pabalik sa plaza ay nagkatinginan kami ni Jaro nang makitang pinalilibutan ng ilang lalake ang mga kasama namin.

"Ayan yung umahas sa Boyfriend ko." napapikit ako ng marinig ang boses ni Rhea. Agad kaming tumakbo ni Jaro palapit doon at halos mapasigaw ako ng makitang hinawakan ang kwelyo ng suot na polo ni Jae nung isang lalake.

"Tanginamo bakla!." sigaw nito at bigla naman siyang tinulak ni Jaro.

"Hoy gago anong karapatan niyo hawakan sa kwelyo ang kaibigan ko ha." sigaw ni Jaro rito nang mapahiga sa sahig ang lalake.

"Isa ka pa Bitch!." napalingon ako ng marinig si Rhea at sinugod si Zee. "Hindi ko matatanggap na nasampal mo ako."

Agad namang inawat ni Ranz si Rhea at humarang sa harapan ni Zee.

"Subukan mo." nandidilim ang mukhang hamon ni Ranz dito. "Makakalimutan kong babae ka."

"Ah Pre!." sigaw ng may kalakihang katawan at sinipa si Jae sa tiyan dahilan para mapahiga ito.

"Tanginamo hindi mo ako kilala?." rinig kong sabi ni Jaro nang lapitan ko si Jae at alalayan ito makaupo. Nakita ko kung paano sapukin ni Jaro ang sumipa kay Jae.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon