CHAPTER 2

56 2 0
                                    

"JAE"

Alas diyes ng umaga nang ako ay magising. Si Raffy naman ay nag-iwan lang ng note na siya ay pumasok na sa trabaho at magkita nalang kami pag-uwi nito. Bumaba ako dala ang kape na binili ni Raffy nang makita si Tita Rosie na nagluluto ng ulam.


"Oh kamusta ang tulog mo hijo?." tanong nito ng mapansin ako na dumaan.


"Maayos naman po, nagulat nga ako na alas diyes na." sagot ko rito at sinimulang maghilamos at magtoothbrush.


"Ayos lang, alam kong pagod ka kahapon." nakangiti nitong sabi at tinungo na ang kalan. Nagtimpla na rin ako ng kape at lumabas ng bahay para maupo sa terrace.


Balak kong gumala kahit sa Bayan man lang kapag hapon na para naman mas mapamilyar ko ang lugar na ito.


Matapos kumain ng tanghalian ay naligo ako at nagbihis. Inayos ko lang din ang iba kong gamit at nagsuot ng sapatos bago bumaba.


"Pupunta kaba sa Buklod?." tanong ni Tita nang makita akong nakaharap sa salamin.


"Sa bayan lang po." sagot ko naman rito at humarap rito.


"Ohhh." tango nito at muling binalik ang mata sa TV. "Mag-iingat ka."


"Opo." tango ko at saka tumingin sa orasan. Nagtaka ako dahil mabilis ang oras, mag-aalas tres na rin pala ng hapon kung kaya naisip kong umalis na para makabalik din ako bago magdilim.


"Lalabas na po muna ako." paalam ko at saka lumabas na ng pintuan ng tumango si Tita.


Naisip kong maglakad nalang kesa sumakay ng Pedicab at inayos ang aking suot na sumbrero.


"Aba saan ang punta ng bisita namin?." tanong ni Ate Josie ng lumabas ako ng looban at makita itong nakaupo sa tapat ng tindahan nito.


"Ah dyan lang po sa bayan at mag-iikot." sagot ko rito at ngumiti.


"Kamusta pre." lapit ng isang tambay na binata roon at tinapik ang balikat ko.


"Ayos lang." nahihiya kong sagot rito.


"Joven nga pala." pakilala nito at nilahad ang kamay na kinuha iyon at nakipagkamay rito.


"Casper James." pakilala ko. "Pero Jae ang palayaw ko."


"Kapag nais mo tumambay lumabas ka lang ng looban." anyaya nito sa akin. "Nabilin din sa amin ni Tita na tingnan ka at kung naboboring ka nandito lang kami lagi."


"Nakakahiya naman." sagot ko pero tinawanan lang ako nito.


"Naku, wag kang mahiya at mababait ang tropa." ani nito at nagpaalam na rin. "Oh mamaya papakilaka kita sa kanila pagbalik mo."


Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon