CHAPTER 30

15 1 0
                                    


"JEREMIAH ROMEO DINGSATA"



Buhat ng makita ko si Jae na lasing at aksidenteng may mangyari sa aming dalawa at napagkamalan ako nitong si Kaiden sa sobrang kalasingan. Kailangan ko nang gumawa ng paraan para ibalik si Kai kay Jae.



Alam ko rin namang may kasalanan ako dahil minsan ay pinipilit kong asarin si Kaiden para naman ipaglaban nito ang kanyang pagmamahal kay Jae dahil ayokong umasa itong kaibigan ko dahil halatang-halata naman sa kanya na may feelings siya rito.


Totoong may gusto ako kay Casper, totoong gusto ko siyang pormahan pero mula ng marinig ko sa bibig nito ang sobrang pagmamahal niya kay Kaiden, alam kong wala akong pag-asa kung kaya kahit sa pagiging matalik na kaibigan na lamang ako nagkasya, dahil nakikita ko sa mga mata niya na masaya siya kay Kaiden.



Bonus na nga lang na may nangyari sa amin ni Jae at sa totoo lang ay natuwa ako nung maulit ulit iyon kaso nang marinig kong pangalan ni Kaiden ang tinatawag niya habang ako ang kasama niya, saka lang ako nagising sa katotohanan na kahit gaano kasaya sa akin ni Jae ay talagang ang puso niya ay para kay Kaiden. Kung kaya kailangan kong makaharap ang lalakeng ito para malaman at maliwanagan ang lahat kung bakit ang bilis niyang ipagpalit si Jae lalo at sa babae pa, kung saan talagang walang kalaban-laban si Jae kapag nagkataon.



Humahanap lang ako ng tiyempo at di rin naman sinasagot ni Kaiden ang mga chats ko, pero kapag nagkaroon talaga ng pagkakataon ay talagang mag-uusap kami lalake sa lalake. Hindi ko naman hahayaang magdusa si Jae dahil lang sa kanya. Kahit pa sabihing mahal ko si Jae ay di ko naman hahayaang ipilit ko ang sarili ko para lang mahalin niya, ayoko non. Mas ayos pa sa aking makita siyang masaya sa iba kesa naman nagdurusa siya sa akin dahil mukhang naging option ako.


Sa ngayon ay kami ni Jae ang magkasama at hindi ko siya hinahayaang mag-isa dahil ayokong makitang nasasaktan ito, natanggap ko na rin naman na sa sarili kong hindi magiging kami at masaya na ako doon, ito nalang ang alam kong maitutulong sa kanya para muling makita ang matatamis niyang ngiti, dahil sa totoo lang din ay naaapektuhan ng mga nangyari ang performance nito sa school at madalas ay lutang. Sayang naman kung dahil lang sa pag-ibig na hindi nalinawan ay magkakaganito siya.


"Kilala mo ba si Kaiden?." tanong sa akin ni Jae nang minsang naglalakad kaming dalawa, nung una palang talaga naming magkita sa School ay talagang naattract ako sa kanya kahit pa sabihing tunay akong lalake, ewan pero napakacute kasi ni Jae at parang babae, yung kagwapuhan niya ay nakakaaliw tingnan.


"Hmm oo kaklase ko nung Grade 11 yun bakit?." tanong ko naman din rito. Si Kaiden eh yung tipong napakapilyo sa school kahit wala masyadong kaibigan at ang kababata nitong si Ranz ang laging kasama dahil magkasundo sa paglalaro ng Computer.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon