"ZEE"
It's 10 am at kakagising ko lang dahil nga anong oras na kami nakatulog ni Jae kanina.
Pupungas pungas akong bumangon sa higaan at naghihikab habang pababa ng hagdan.
Naputol ang aking paghihikab ng biglang may sumipol.
"Ang sexy mo d'yan, baby!" ani ni Ranz sabay kindat at ngisi na akala mo ay manyak.
POTA! Hello, nakaboxers lang ako at crop top, kasi ang init init kasi nga summer.
"Fuck you!" itinaas ko ang gitnang daliri ko sa kanya, sabay karipas ng takbo paakyat para magpalit ng damit.
"HAHAHAHAHA WAG KA NA MAGPALIT, BABY! ANG SEXY MO NGA EH HAHAHAHAHAHA!" sigaw nito sa'kin habang nasa baba.
"PUTANGINA MO! AGA AGA!" singhal ko naman rito.
Matapos ko magbihis ay bumaba na ulit ako.
"Good Morning po, Tita, Tito!" bati ko sa dalawang matanda.
"Good morning, hijo! Halika na at kakain na tayo" pag aya ni Tita Rosie.
Pagdating ko sa hapag ay nakita ko ring nakaupo na sina Ranz, Kai at Jae. At ang dalawang malanding ito ay naglalandian ng paa sa ilalim habang nakain.
"Aray, Jae! Paa ko na kamo yan!" mahina kong sabi ko kay Jae at natawa naman si Ranz at Kai.
Ang dalawang matanda naman ay piniling sa sala manood dahil palabas daw ang paborito nilang drama kung kaya malaya nang makapaglandian ang dalawang poklay na ito.
Habang nandidiring panoorin ang dalawang hitad ay nakita ko naman si Ranz na abot abot ang pagsubo ng kanin at hotdog na akala mo ay limang araw na di kumain.
"Hoy! Di ka ba pinapakain sa inyo?" asik ko rito.
"Eh kasi naman, ang tagal tagal mo gumising, kanina pa ako nagugutom kaya!" namumuwalan nitong sambit sakin at panay pa rin ang saksak ng pagkain sa bibig nito.
Matapos namin magligpit ay inaya ko si Jae na mag sayaw kami, kasi mahilig kami parehas sa KPOP at para na rin mapababa lahat ng kinain namin kanina.
Pagpunta ko sa sala ay may nakita akong dalawang bag na magkatabi.
"Jae, kanino tong mga bag?" tanong ko.
"Ah sa amin yan ni Ranz, Zee" sagot ni Kai.
"Ha? Bakit?" tanong ko rito.
"Ah dito kasi kami matutulog ngayon. Nagpaalam na kami kina Tito at Tita." sagot nito habang inaayos ang mga nakalagay sa lamesa.
"HA?!" gulat kong bulalas rito.
"Gulat na gulat ka naman, baby! Ayaw mo ba ako katabi matulog?" sabi ni Ranz habang may pag pout pa ng labi na nalalaman.
"CHE! Basta sa sala kayo ha?" sabi ko naman.
"Jae! Ano? Tungangers na lang? Tara na! Tignan ko kung di ka pa kinakalawang." pag aya ko.
"Oo na, kaninong part iyo? Akin, Momo ha?" sabi ni Jae.
"Sige, Nayeon akin" sagot ko.
"Geuleon nari isseo
Gapjagi honjain geotman gateun nal
Eodil gado nae jariga anin geotman gatgo
Gogaen tteolgwojineun nal"
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)