CHAPTER 37

9 1 0
                                    

"ZEE"

After namin mapanood sa news ang magaganap na Lockdown sa Luzon because of Covid ay bigla akong nag-alala dahil baka madamay kami rito. Medyo mabilis ang pagtaas ng positive patients at talagang nakakabahala, pero may one week pa naman na preparation para sa lahat.



Pero kahit medyo serious na ang news ay kibit balikat lang tong katabi kong si Jae na parang tiwalang hindi aabot dito ang virus.


"Tutal normal naman dito, gala tayo?" pag aaya sa akin ni Jae.



"Saan naman, ate?" tanong ko.



"Basta! Ako bahala, magugustuhan mo dun!" pangungumbinsi nito.



"So, we'll go with Raffy and the gang? I'll call them!" mungkahi ko.




"Nope si Jaro ang aking tatawagan, Ako na bahala. Magready ka na! Dali ang bagal mo pa naman kumilos!" sabi nito.



"Fine! maliligo na ako." sambit ko rito.



"Sure! Go and get ready!" utos nito.



I am currently putting cheek tint. Hindi ko pa gamay kasi nasanay ako nung dark pa color ko eh ang dami kong maglagay nito. I hope it doesn't look awful.



Currently, I am wearing Jae's black shirt, it's oversized for me kasi mas malaki katawan at matangkad sa akin si Jae. Then, naka front tucked in to sa above the knee white shorts ko. Ayoko kasi mag pants, ang init lalo na at summer pa. Then, I've decided to wear a high cut shoes.


"Hoy! Zee! Ikaw na lang iniintay, di ka pa ba tapos?" rinig kong sigaw ni Jae.


"Oo eto na pabab- WHAT ARE YOU DOING HERE?" bulalas ko.


"Sabi ni Jae sumama ako" sabi ni Ranz at ngumiti ng nakakaloko.


Tinignan ko ng masama si Jae at nag peace sign lang ito sa akin.


"Fine! But, don't go near me!" banta ko rito.

"So, okay na ano? Tara na." yakag ni Jae.


Naglakad lang kami kasi sabi ni Jae ay malapit lang yun dito. Habang naglalakad kami ay biglang lumapit sa akin si Ranz.

"Hi hehe" pagpapapansin nito.

"What?" asik ko rito.


"Tignan mo sila oh! Ang sweet nilang dalawa" sabi nito sabay turo kay Jae at Kai na naghaharutan habang naglalakad, mga haliparot na nilalang.


Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon