"RANDALL ZAYNE MONTECILLO"
Siguro kung nakakamatay tong kaboringan nailibing na ako. Puta napakasakit sa ulo na sobrang tahimik ng lugar namin. Parang akala mo eh may Zombie Apocalypse, kada street dito sa amin ay nakaharang dahil kailangan dumaan ng mga sasakyan sa Main Road para sa Checkpoint at para di rin matakasan ang mga pulis at sundalo.
Naturingang nasa pinakabayan kami ay talagang nakakabinging katahimikan ang mayroon, parang kapag sumigaw ka mula sa malayo ay maririnig mo hanggang dito. Syempre hindi rin ako makalabas mula nung galing kami kina Jae dahil baka sermunan din ako, mahirap na.
Nakakatakas lang ako pero kina Kai lang ako nakakapunta, yung mga nahuhuli pa naman ng curfew eh talagang pinapahirapan, ayoko pa naman nun.
"Magluto ka na ng tanghalian." sigaw ng nanay ko sa akin habang nakaupo ako sa bintana at nakatanaw sa tahimik na lugar namin.
"Ma pwede ba lumabas." paalam ko rito.
"Saan ka nanaman pupunta, mamaya mahuli ka." sagot nito sa akin kaya napanguso ako.
"Kina Kaiden lang naman." reklamo ko rito.
"Basta umuwi ka bago mag alas sais." napangiti ako nang marinig iyon.
"Sige ma magluluto na ako." sabi ko at saka tumayo na saka nagluto ng aming ulam. Mapupuntahan ko na rin sina Jae at syempre si Zee. Masyado nang inookupa nito ang aking utak, nahuhulog na yata ako.
Pinuntahan ko si Kai pagkatapos kong maligo at saka kami dumaan sa shortcut patungo sa Barangay kung saan nakatira sina Jae.
"Hi Zee baby." bati ko rito nang makaupo kami sa Terrace, sila lang ang tao dito sa bahay dahil umalis daw sina Tita Rosie at Tito Pords.
"Tse!." asik nito pero tinawanan ko nalang at tumabi sa akin.
"Gusto mo ba gumala?." tanong ko rito.
"Pwede ba?." kunot-noo nitong tanong at saka tumango ako.
"Oo hindi naman tayo makikita kapag naglakad-lakad." sagot ko at pumayag ito.
Nagpaalam kami sa dalawa na lalabas muna at saka nagsimulang maglakad. Nagsabi na din akong bibili ng meryenda pagbalik namin.
Pumunta kami sa gubat kung saan walang bahay at kung saan malakas ang ihip ng hangin, isa ito sa mga tagong lugar na bibihirang puntahan ng tao, konektado rin ito sa ilog na pinaliguan namin noon at maganda ang lugar na ito.
"Ang sarap ng hangin." ani ni Zee habang nilalasap ang hampas ng hangin.
"Ganda rito ano." sabi ko at tumango ito.
"Siya nga pala Ranz." tawag nito ng makaupo kami sa isang sanga ng puno sa harapan ng ilog.
"Bakit masyado mo akong pinagtitripan?." napatawa ako sa tanong nito.
"Wala lang ang cute mo kasi pagtripan." sagot ko rito at saka pinitik ang noo.
"O-ouch!." asik nito at saka ako hinampas sa braso.
"Pero thank you ha, kasi alam mo yun. Feel ko important ako kasi talagang gusto mo ko kaibiganin." sabi nito sa akin.
"Ganoon talaga." sagot ko. "Ayoko naman kasi na mafeel mong turista ka lang dito, dapat kailangan ka rin namin pakisamahan."
"Ganun ba yun?." tanong nito at tumango ako.
"Buti hindi ka nagsasawa kahit pa lagi kitang nasasaktan." ani nito pero umiling lang ako.
"Walang kaso dun ano kaba, sanay na ako." sagot ko rito.
"Sanay masaktan?." tanong nito.
"Oo." sagot ko at ginulo ang buhok nito.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)