CHAPTER 3

32 2 0
                                    

"JAE"



Hindi ko akalaing magtatagal ako dito, halos mag-iisang buwan na rin ako na dapat ay isang linggong pananatili lang. Maigi na rin at di ako agad bumili ng ticket pauwi dahil kung hindi ay mabibitin ang aking bakasyon, lalo pa at parang nagkaroon ng isa pang dahilan para manatili pa ako rito.


Madalas kong ayain sa Raffy na magpuyat sa Computer Shop at pumapayag naman ito dahil alam niya rin kung ano ang dahilan. Pero hindi naman kami gaano nagpapansinan ni Kai dahil nahihiya ako. Ni hindi ko rin ito mabati man lang kapag nagkikita kami sa Computer shop at hindi na rin kami nagkalaro buhat nung turuan nila ako. Ngunit sa akin ay ayos lang naman, ang gusto ko lang naman ay makita siya habang nandirito pa ako. Simpleng tingin lang ay masaya na ako.


"Oi Jae." untag sa akin ni Raffy habang nakatitig ako kay Kai na nakatutok sa computer. Ito na ang huling araw na magkikita kami dahil aalis na ako sa isang araw para umuwi sa amin.


"Bakit?." tanong ko nang mapalingon rito.



"Ano hanggang titig ka na lang?." tanong nito sa akin at napabuntong-hininga ako saka tumango.


"Ano ba yan ang hina mo naman. Akala ko pa naman eh matapang kang tao." siko nito sa tagiliran ko.


"Eh nahihiya ako." sagot ko at tumutok sa harap ng aking Computer.


"So ano? ganun ganun lang?." tanong nito at muli akong tumango. "Hay naku."


"Hayaan mo na babalik din naman ako." pinilit kong ngumiti at muling sumulyap kay Kai.


"Maryosep beshie kailan pa balik mo?." nanggigigil nitong sabi sa akin. "Ni walang kasiguruhan."


"Aba syempre mabilis. Lalo na at may babalikan ako." sagot ko sa kanya at saka tumawa.


"Ewan, pero kung ako sayo dapat magpaalam ka man lang na uuwi ka na." advice nito sa akin at tumango lang ako rito para di na ako kulitin.




Pasado alas dos na ng umaga ng makaramdam ako ng antok at naghikab, napakislot ako ng makarinig ng boses mula sa aking likuran at bigla akong natuliro ng makita ang mukha ni Kai na nakangiti sa akin.


"Inaantok kana, gusto mo kape? bibili din ako sa baba ng makakain eh baka gusto mo magpasabay." ani nito sa akin.


"S-sige." ngumiti ako rito at saka kumuha ng pera sa aking wallet at inabot rito. "Kape lang at tinapay. Dyan ka na rin kumuha ng gusto mo."


"Aw nakakahiya naman." sabi nito pero umiling ako.


"Eh tanggapin mo na kasi uuwi na rin ako sa amin sa isang araw." sagot ko rito at ngumiti, halata naman ang pagkagulat sa mukha nito sa narinig.


"Uuwi ka na? ang bilis naman." tanong nito at tumango ako. "Eh dito ka nalang, masaya kaya dito."


Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon