"JAE"
"Okay, class prepare all your outputs, midterms is approaching. Usapan natin ang hindi kumpleto sa output, walang midterms ha? Kaya, as early as now, complete all your requirements. That's all for today. Class dismissed!" bilin ni Ma'am Babes.
"Streeeeeeess!!!!" bulalas ng katabi kong si Jaro.
"Tatlong oras nga lang yung tulog ko eh. May tatlong outputs pa akong hindi natatapos! Grabe talagang steno to!" sagot ko naman dito.
"Halata ko nga, oh dali!" sambit nito sabay hilig ng katawan papunta sa akin.
"Ano yan?" pagtataka ko.
"Sandal ka muna sa akin, tulog ka saglit." sagot naman nito.
"Sira! Hahaha. Ayos lang ako, tsaka dami pa nating gagawin." pagtanggi ko rito, alam ko ring inaalaska lang ako ng hayop na to.
Pilit kong idinidilat ang mata ko sa last subject namin, Purposive Communication na parang history sa dami ng kwento ng prof namin. Nasa harapan pa naman ako.
"We'll have a quiz tomorrow, ang makakaperfect may incentive for midterms. Class dismissed!" huling sabi ni Sir Evangelista.
"Nakasurvive ka dun ha? Kita ko na halos maumpog ka na sa desk mo sa sobrang antok, parang ganito oh HAHAHAHAHAHAHA" pang aasar ni Jaro tapos ay ginaya ang itsura ko.
"Tse!" asik ko naman dito.
"Joke lang ito naman di mabiro!" sabi nito sabay patong ng ulo sa balikat ko.
Natulala naman ako sa ginawa nito, aaminin ko na ang cute n'ya sa ginawa n'ya. Pota, erase, eraaaase!!!
"Tara uwi na tayo, marami pa tayong gagawin!" sabay tayo kung kaya nauntog ang baba nito sa desk.
"HAHAHAHAHAHAHA! AYAN TALANDE KA KASE!" pang aasar ko rito, nag make face na lang ito bilang tugon.
"Ahhh, Jae? Pwede bang pumunta ako sa inyo ngayon?" tanong ni Jaro sa akin habang naglalakad.
"Huh? Bakit naman?" tanong ko pabalik.
"Eh, sasabay akong gumawa sayo ng mga outputs sa Steno. Okay lang ba?" sagot nito.
"Osige! Wag kang manggugulo, sasampidahin kita!" pananakot ko rito.
"Aye aye, Master!" sagot nito sabay saludo.
"Sira! Tara na, marami pa tayong gagawin." matapos iyon at mabilis nga kaming umuwi para makapaghanda sa mga gagawin.
"KAI"
Ilang araw na rin kaming hindi nag uusap ni Jae. Nung tinanong ko si Raffy ay busy daw ito dahil midterms na nila.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)