CHAPTER 35

10 1 0
                                    

"RHEA"

Natuloy nga ang gala naming dalawa ni Kai pero parang wala naman sa aking ang atensyon nito. Sa totoo lang ay hindi ko na alam ang aking gagawin.

"May problema ba?." tanong ko rito dahil nakatulala ito at nakatingin sa labas kung saan kami kumakain ng meryenda.


"Huy." kalabit ko rito dahil di ako pinapansin, agad itong napatingin sa akin at ngumiti kung kaya napairap ako.


"Bakit?." tanong nito at hinigop iced coffee na hawak nito.



"Wala." sagot ko lang pero sa utak ko ay talagang gusto ko nang sumabog, yung totoo? girlfriend ba ako? nakakaasar ha, kung kaya niyaya ko na rin itong umalis dahil nawala na talaga ako sa mood.


Habang nasa biyahe pabalik sa amin ay talagang napakatahimik ng boyfriend ko, nakakapanibago to the point na para bang wala akong kasama, napakatipid sumagot, My God!. Ayoko ng ganito.


Pagbaba namin ay naglakad kami patungong palengke at nabigla ako ng biglang may tawagin si Kai.


"Jae." kung kanina ay para itong namatayan, ngayon ay parang nanalo ito sa lotto dahil biglang umaliwalas ang mukha. Humarap ito sa akin at saka hinawakan ang aking balikat.


"Mag-iingat ka pag-uwe ha." halos mapunit ang mukha nito sa sobrang pagkakangiti kung kaya lalo akong nairita.


"Go!." sagot ko nalang rito at sinalubong naman kami ni Jae.


"Hi Rhea." bati sa akin ng kaharap ko pero ngumiti lang ako ng napipilitan rito para ipaalam na hindi ko siya gusto.


"Tuloy ba tayo?." tanong ni Kai rito at tumango ito. At nang mapansin ko nang parang hindi na ako belong sa usapan ng dalawa ay nagmartsa na ako paalis doon ng walang paalam at binangga si Jae.


"May lakad pala kayo ha? humanda kayo sa akin." bulong ko sa utak ko. Ilang beses ko na silang sinusundan at talagang may mali sa mga nakikita ko. Kung kaya kailangan kong lumaban dahil ako naman ang nasasaktan.


"Hinding hindi mo makukuha sa akin si Kai tandaan mo yan, babae ako." dagdag ko pa sa utak ko habang pinagmamasdan ang dalawa na naglalakad at masayang nag-uusap.


Kaya pala nanlalamig ka na sa akin, ayos lang sana kung sa babae mo ako ipagpapalit pero ang makitang sa lalake? ay mali! sa Bakla? seriously Kaiden? anong meron siya na wala ako ha? lahat ng wala siya ay meron ako. Kayang-kaya ko ibigay ang lahat sayo na hinding-hindi niya maibibigay.


Wala rin naman akong magagawa, maigi nalang at nag-stay pa ako doon dahil parang binigyan din ako ng sign para mas mahuli sila sa akto at kating-kati na ang kamay kong masampal ang kinalolokohan ni Kai.


"Mali ka nang kinalaban Jae." sagot ko at saka umandar ang aking sinasakyan at lumayo sa lugar na iyon.


"JAE"

Maaga kaming nagising kasi excited ang lahat. Ito ang araw na darating ang bestie kong si Zee.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon