CHAPTER 46

11 1 0
                                    

"ZEE"

I was surfing on social media when Ranz took the seat beside me.

"Zee" tawag n'ya sa akin.

Paglingon ko rito ay itinakip nito ang dalawang braso sa mukha.

"Hoy, ba't ka nakaganyan?" tanong ko.

"Eh baka kasi sampalin mo ako eh" sabi nito.

"Sira! Hindi hahaha!" sabi ko at napatulala naman ito.

"Ah-eh k-kausapin sana kita. Papatulong kami ni Kai." sabi nito.

"Sure, saan ba?."tanong ko at binaba ang aking cellphone.

"Surprise ni Kai kay Jae, monthsary nila. Marunong ka magbake?."

"Sus! Yun lang pala!." napaismid ako ng marinig rito ang gustong sabihin. "Yeah! I can bake you guys a cake!."

"Talaga?" masayang tanong nito.

"Yup. Lista ko na yung ingredients." tumayo na ako para kumuha ng papel at ballpen at saka nilista ang lahat. Inabot ko naman rito iyon para mabili nila ni Kai.

"Thank you, Zee!" excited na sambit nito at binulsa ang inabot kong papel.

"Saya mo ah?." tanong ko rito dahil napapansin kong parang ang saya-saya nito.

"Syempre! Kasama ka eh!." ngisi nitong sagot kung kaya agad itong inirapan

"Che! bahala ka diyan, doon ka na nga nanonood ako.!" taboy ko rito at saka napailing. Kaloka talaga itong lalakeng ito.

Kumatok si Kai ng bandang ala una ng madaling araw sa kwarto at sinabing handa na ang mga ito, pagbaba ko ay saktong dumating naman si Ranz na hinihingal dahil nga may curfew at dala ang mga kailangan sa pagbebake.

"Wag kayo maingay." saway ni Kai sa amin dahil tawa kami ng tawa ni Ranz. Wala akong magawa kundi asarin.

"Ampanget mo." sigaw nito sa akin.

"Mas panget ka." balik asar ko rito. Matapos mahalo ang lahat ay binuksan ko ang Oven ni Tita Rosie at saka hinintay namin maluto iyon. Si Kai naman ay umakyat to check Jae if nagigising ito dahil baka makahalata.

"Bakit parang nasa mood ka?." tanong ni Ranz habang umiinom ng kape.

Napairap lang ako rito. "Wala kang pake gusto ko lang."

"Sus." sagot nito pero hinilig ko lang ang ulo sa balikat nito.

"Infairness inaantok nako." sabi ko at saka humikab.

"Magkape ka kasi." alok nito pero umiling ako.

"I don't drink coffee." sagot ko. "Tea lang."

"Ang arte." napahagikgik ako ng marinig iyon rito.

"Oh tinapay." bato ni Kai sa lamesa ng isang tasty bread, shit! biglang kumalam ang sikmura ko at oo nga pala may mayonnaise sa ref kung kaya tumayo ako at kinuha iyon doon.

"Oh." abot ko kay Ranz. "Inuna na kita dahil alam kong patay-gutom ka."

"Wow ha." asik nito. "Gumawa ka na lang ng mabuti eh sulitin mo na."

"Ulul." irap ko rito at ginawan din si Kai at inabot rito.

"Salamat." ani nito at saka tumitig sa oven habang kumakain.

"Sana masarap." sabi nito.

"Oo naman ako paba." nakangisi kong sabi rito. "Masarap yan kasi may pagmamahal mo."

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon