"JAE"
Ngayon ang last day ko rito sa Muñoz at balik Manila na ako bukas kung kaya niyaya ko si Raffy na pumunta sa Buklod para mamili ng pasalubong. Sandali lang kami doon dahil gusto kong magstay sa Muñoz hanggang gabi at napakainit pa at tinamad akong gumala.
Inayos ko lang sa kwarto lahat ng aking binili at muli kaming nagpaalam na lalabas, si Dewie at David naman ay hihintayin nalang namin sa Bayan sa gabi para mag dinner.
Si Denver at Rudolf ay naabutan namin sa Comshop na nakatambay, kaya nakipagkwentuhan kami sa mga ito. Mayamaya naman ay dumating si Ranz at medyo nakaramdam ako ng ilang ng batiin ako nito.
"Kamusta Jae." bati nito at inakbayan ako.
"Ayos lang ikaw kamusta?." pinilit kong maging komportable rito.
"Buti nandito ka." ani naman nito at saka umupo.
"Bababa muna ako bili ako meryenda." paalam ni Raffy at sumama naman si Rudolf at Denver rito.
"Maglalaro ka?." tanong ni Ranz nang maiwan kaming dalawa, tumango naman ako rito at sinabihan si Bert na gagamitin namin ang mga PC na binuksan nito.
"Grabe Jae, pagod na pagod ako kahapon." reklamo nito at inistretch ang braso, natawa ako sa sinabi nito at napailing. "Hanggang ngayon ramdam ko yung sakit ng katawan nung umakyat tayo ng Peak."
"Ako nga tama-." di ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita agad si Ranz.
"Aga mo Kai." napalingon ako sa sinabi nito at nakita si Kai na bagong ligong lumapit sa akin at inakbayan ako.
"Kamusta Jae." bati nito at umakbay sa akin, pinisil pa nito ang balikat ko na para bang nanggigigil.
"Ayos lang." mahina kong sagot at pinilit ngumiti.
"Kamusta date?." tanong ni Ranz at napatingin ako sa kanya. Tumingin din ito sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin at humarap sa PC.
"Di naman enjoy." sagot ni Kai at binuksan ang PC sa tabi ko at umupo. "Mas enjoy pa siguro kung sumama ako sa inyo."
"Yan mas pinili mo pa kasi makipagdate." asar na sagot naman ni Ranz rito at pasimpleng tinapik ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)