CHAPTER 40

10 1 0
                                    

"ZEE"

Pababa na ako ng hagdan nang marinig ang news na pinapanood nina Tita Rosie at Tito Pords.

"Due to Corona Virus Disease affecting our country, our province, Negros Occidental is placed under Modified Enhanced Community Quarantine. All the travel by land, sea, and air are suspended. Some parts of the industry will still resume. Quarantine Passes will be given to every head of the family. This will take effect tomorrow"

"Hala, paano ako uuwi? I've already booked a flight" sambit ko.

"Zee, mas mabuting dumito ka na muna sa amin. Mas safe ka rito, mas kampante kaming nandito ka." ani ni Tita Rosie.

"Tama ang Tita Rosie mo, Zee. Mas mabuting dito ka na muna mag stay." dagdag pa ni Tito Pords.

"Tsaka di ka naman namin papabayaan dito, Zee. Ako na lang magsasabi kina Tito at Tita na dito ka na muna habang effective pa yung ECQ" sabi ni Jae.

Well, wala namang problema sa akin kung dumito muna ako. Pero, hindi ko rin kasi maiwasang hindi mag alala sa parents ko sa Cavite, kasi balita ko na ang dami na ng cases ng CoViD-19 sa Manila, which is malapit lang naman sa Cavite.

"Hoy! Raffy! Tara na! Baka maubusan pa tayo ng supplies!!" sigaw ni Jae kay Raffy dahil mamimili raw sila ng mga supplies dito sa bahay at mga dadalahin nina Raffy at Dewie pabalik ng Buklod dahil kasama ang pinagtatrabahuhan nila sa mga running pa rin kahit na under MECQ dito.

"Alis na po kami, Tita!" sigaw muli ni Jae kung kaya umakyat na ako sa kwarto para naman makapag meditate because what is happening to our country is really stressful.

I was meditating when I hear someone na sumisigaw sa may gate kung kaya lumabas ako para makita kung sino yun.

"HOY, JAE! LUMABAS KA D'YAN! WE'RE NOT DONE YET! LUMABAS KA D'YAN!"

"Zee, si Rhea nasa labas kasama yung mga alipores n'yang mukhang utot!" sambit sa akin ni Dewie.


"Osige, let me handle this, kunin mo yung baseball bat sa loob ng kwarto" sabi ko naman.


Paglabas ko ng gate ay nakita ko ang kalukadidang na si Rhea. Kaunti na lang talaga eh papuputukin ko na pagmumukha nito eh.


"HOY! NA SAAN SI JAE? ILABAS MO S'YA!" sigaw nito sa akin while I'm still remain calm.

"He's not here though." I said in a calm tone.


Maya maya pa ay naramdaman kong nasa likod ko na si Dewie hawak ang pinakuha kong baseball bat.


"ILABAS MO S'YA!! ALAM KONG TINATAGO MO LANG S'YA! JAE! LUMABAS KA D'YAN!!!" nanggagalaiting sagot nito at nagpupumilit pumasok.

"One more step at makikita mong hinahanap mo" sambit kong muli habang pinipilit maging kalmado.


"NO! PASUKIN NATIN ANG BAHAY!" pag-aya nito sa mga kasama kung kaya hinablot ko na kay Dewie ang bat.

"Subukan mong pumasok, Rhea, bago ka pa makatapak sa loob basag na yang bungo mo! Try me!" sambit ko habang sinuswing ang bat papunta sa aking balikat.

Nakita ko namang napaatras ang mga ito.


"Talagang di n'yo ako kilala, pwes papakilala ulit ako. Ako si Zahn Jacey Calista, at wala akong pakialam kung sino mang Poncio Pilato yang nasa katawan n'yo! Pag sinabi kong wala, WALA! Never try to mess with me!." pagpapakilala kong muli sa mga ito.

"At kayong dalawa, gusto n'yong katawan n'yo naman ang itapon ko?" dagdag ko pa at tinaasan ng kilay ang dalawang mukhang utot na ito.

After kong sabihin yun ay namamagang mukhang umalis si Rhea at mga alipores nito.

"Bonggadera ka talaga, Zee! Di ko kinaya! Ang galing mooo!" nagtatatalong sambit naman ni Dewie sa akin.


"Ang ingay ingay kasi ng babaeng kuto na yun! Baka makita pa ni Tita Rosie nakakahiya pa. By the way, tara kain na lang tayo ice cream sa loob!"

"Tara!" at pumasok na nga kami sa loob ng bahay.

"JAE"

Habang namimili ay talagang di namin maiwasan ni Raffy ang mangamba, masyadong nagpapanic ang mga tao. Di namin masisi, maliit lang ang bayan namin at talagang syempre mapapraning sila sa Covid kahit pa sabihing malayo ang tsansa na mapasok kami in case na maglockdown ang lahat ng boarder.

Nagkita pa kami ni Jaro na namimili rin kasama ang mama nito. Nagbeso-beso kami ng Mama nito at saka nakipagchikahan habang namimili.

"Ihahatid na namin kayo." ani ni Jaro sa amin.

"Nakakahiya naman." sagot ko rito.

"Mahirap makasakay ngayon hijo, dagsa ang mga tao dahil Panic buying." sabat ng mama nito at nagtanguan sila ni Raffy kaya pumayag ako.

Matapos pumila sa Supermarket ay nagtungo naman kami sa Palengke dahil linggo. At sobrang siksikan. Napapailing nalang kaming apat na magkakasama, pero syempre sa loob namin ay natatakot din kami sa mga mangyayari.

Puro bukambibig ng mga tao ay tungkol sa pagkalat ng sakit, bakas ang mga takot sa boses ng mga ito. Sadyang mababahala ka, pero wala ka naman talagang magagawa kundi sundin ang mga protocols na binigay ng mga nakakataas para naman maging safe.

"May mga face masks naba kayo?." tanong ni Jaro sa amin.

"Wala pa nga eh." sagot ni Raffy. "Nagkakaubusan na."

"Meron kami, bigyan ko kayo." sagot ni Tita Evelyn.

"Hahatid ko nalang sa inyo mamaya." ani naman ni Jaro at tumango ako. "Aabutan ko din sina Kai."

"Maraming salamat po." sagot namin rito. At nang matapos kami sa aming mga pinamili ay hinatid kami sa bahay.

"Mag-iingat kayo." kaway ni Tita Evelyn at saka umalis ang mga ito.

Pagdating sa loob ay agad kaming sinalubong ni Zee at Dewie at agad chinika ang tungkol sa pagsugod ni Rhea.

"Hindi pa din sila tumitigil ha." ani ni Raffy habang inaasikaso ang mga pinamili namin.

"Hayaan niyo na." sagot ko nalang at di na inisip pa dahil dagdag stress lang yun.

Maigi nalang din at wala sina Tito at Tita nung nangyari yun dahil nakakahiya naman kung makikitang may nag-eeskandalo. Ayoko talaga ng ganoon, bahala nalang siya diyan tutal wala naman akong ginagawang masama at wala na rin naman sila. Hindi ko na rin muna sinabi kay Kai dahil busy rin ito ngayon. Saka nalang siguro.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon