CHAPTER 55

12 1 0
                                    

"KAI"

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko matapos kong makitang nagmamadaling lumabas si Jae ng bahay na umiiyak.

"KAPAG SINABI KONG AYOKO! AYOKO!." napapikit ako ng muling marinig sa aking utak ang pagsigaw ko rito kanina.

Hindi eh, hindi dapat ganito ang magiging reaksyon ko. Ayokong makita siyang masaktan ng dahil sa akin pero wala akong choice. Napatingin ako sa aking kamay kung saan tumulo ang dugo mula sa daliri ni Jae. Hindi ko alam kung paano ito nagkasugat pero isa lang ang alam ko, ako ang dahilan kung bakit ito nasugatan. Napapikit ako sa sobrang konsensya sa aking ginawa pero sa totoo lang ay wala akong magagawa.

"Kai." napadilat ako at napatingin kay Ranz nang makita itong nagmamadaling lumapit sa akin.

"Tangina naman." napasabunot ito sa buhok ng makitang may dugo ang kamay ko at ang ibang dugong nakakalat sa lamesa at sa sahig.

"Ano bang nangyari?." tila histerikal nitong tanong at agad na kumuha ng basahan at agad iyong pinunas sa kamay ko.

"Kung gusto niyong magpatayan utang na loob naman, huwag niyong ituloy." litanya nito. "Utang na loob lang ayokong mawala kayo pareho."

"N-nasaan si Jae?." sa wakas ay lumabas ang boses sa aking bibig.

Naniningkit naman ang mga mata ni Ranz na tumitig sa akin.

"NASAAN SI JAE!." sigaw ko rito at hinawakan ito sa balikat. Hindi ko na alam kung ano ba ang ginagawa ko ngayon sa dami ng pumapasok sa utak ko.

"Tangina naman!." sigaw nito at tinulak ako, halos maalog ang utak ko ng lumapat ang kamao nito sa aking pisngi at napahiga ako sa sahig.

Sinugod ako ni Ranz at pumatong ito sa akin saka hinawakan ang kwelyo ng aking t-shirt.

"Tangina naman Kai ano bang nangyayari sayo?." bulyaw nito sa akin. "Ano bang nangyayari bakit ka ganyan?."

"R-ranz." tawag ko sa pangalan nito at hinawakan ang dalawang braso nito.

"Aaaaaaarrgggghhhh!." sigaw nito at binitawan ang aking damit at saka tumayo. "Kai umamin ka nga may nangyayari ba?."

Nanatiling nakatitig ako sa kisame at hindi sinagot ang tanong nito, kahit pa gustong-gusto kong sabihin ang nararamdaman ko.

Nang wala itong marinig ay mabigat ang paa nitong naglakad palabas ng bahay kung kaya pinilit ko ang sarili kong umupo at muling matulala.

Tumayo ako at nilinis ang ang mga naging kalat mula sa mga nangyari kanina. Lalo akong nawala sa mood, sa totoo lang ay tamad na ako gumalaw pero wala akong magagawa kundi likumin ang lahat ng ito dahil magagalit naman sina Mama at Papa kapag naabutang magulo ang bahay.

Habang hinuhugasan ang mga gamit ay biglang tumunog ang cellphone ko at dahil umaasa akong si Jae ang tumatawag ay agad kong pinunasan ang aking kamay at kinuha iyon.

"Anong oras ka pupunta?." naningkit ang mga mata ko at tila umakyat ang dugo sa aking ulo ng marinig iyon.

"Wag mo muna ako kausapin." malamig kong sabi rito. "Wala akong gana ngayon, saka na lang tayo mag-usap."

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon