CHAPTER 60

18 1 0
                                    

"KAI"

Nakaupo ako sa isang tindahan malapit sa looban kung saan nakatira sina Jae, dito nalang ako maghihintay na lumabas ito kung sakaling pumunta ito sa bayan.

Ayokong mawala siya, ayokong mawala siya sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit nagbago ako, kung bakit inayos ko ang buhay ko. Kung kaya ayokong siya naman ang masira ko.

Pero kahit gustong-gusto ko, hindi ko magawa dahil may bata akong pinoprotektahan, ayokong tanggalin iyon ni Rhea sa sinapupunan nito ang magiging anak ko. Parang lalong hindi ko kakayanin kung pati iyon ay mawawala, kung kaya kailangan kong mamili.

Napapikit ako ng muling maalala ang mga salita ni Rhea nung malaman ko na may dinadala ito sa kanyang tiyan.

"Buntis ako." napatutop ito ng bibig habang hawak ang pregnancy test.

"Sigurado ka?." halos manlamig ako ng marinig iyon at kinuha rito ang PT at tiningnan iyon.

"Oo, Kai magiging ama ka." napayakap ito sa akin ng mahigpit at tuwang-tuwa.

"R-rhea teka hindi maaari ito." naguguluhan kong sabi at nilayo ito mula sa pagkakayakap sa akin.

"K-kai." tawag nito sa pangalan ko pero napailing ako ng matigas.

"Rhea alam mong wala na tayo." sabi ko rito. "Paano nangyari ito."

"Alam mong may nangyari sa atin nung nag-inuman tayo." paliwanag nito sa akin kung kaya napapikit ako.

"May nangyari ba talaga?." tanong ko rito at tumango ito.

"Malamang hindi mo matatandaan dahil lasing ka." sigaw nito sa akin.

"Pero may mahal na akong iba!." balik na sigaw ko rito. "Mahal ko si Jae at ayokong dungisan ang pagmamahal niya sa akin!."

"Aba eh anong gusto mong gawin ko?." tanong nito kung kaya agad akong natigilan.

"Mamili ka Kai." nakahanap ito ng tyempo dahil di ako nakapagsalita agad. "Mamili ka, ipapalaglag ko itong bata kapag si Jae ang pinili mo."

"T-teka-."

"Habang buhay kang lalamunin ng konsensya mo dahil mas pinili mo ang pagmamahal na wala namang patutunguhan." banta nito sa akin. "Mawawala ang bata."

Napasabunot ako sa aking buhok sa sobrang dami ng pumapasok sa utak ko. Wala na! nalagay ako bigla sa bitag ng alanganin.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon