CHAPTER 11

24 2 0
                                    

"JAE"

Ano pa? Edi syempre ang sarap ng gising ko dahil nandito na ako muli sa Muñoz. Masyadong malalim na ang gabi ng dumating ako kaya kailangan ko nalang magpahinga at saktong Holy Week na kung kaya masarap daw gumala at maraming tao.

"Magbeach tayo next week nakapag file na kami ng leave." kwento ni Raffy habang nagkakape kami sa Terrace.

"Sino-sino tayo?." tanong ko habang humihigop.

"Si Dewie at David, si Denver, Rudolf at si Ranz." sagot nito. "Try mo yayain si Kai."

Oo nga pala, mula kagabi ay di na ako nakapagchat kay Kai kung kaya kinuha ko ang aking cellphone at nagchat rito.

"Good Morning." napalingon kami at nakita si Ranz na pumasok sa Gate.

"Aba ang aga." bati ni Raffy rito at sinenyasang umupo. "Kape."

"Tapos na ako." ani nito at sa akin naman tumingin. "Kamusta biyahe?."

"Ayos lang, napadaan ka?." sagot ko rito at binigyan ito ng ngiti. Namiss ko rin ang kakulitan nito.

"Ah, nag-order ako ng puto doon kina Aling Mameng para sa Pabasa. Eh dito na ako dumaan para mabilis makauwi." sagot nito. Sabagay, shortcut din ang looban dito patungo sa kabilang barangay. "Sakto at nakita ko rin kayo."

"Oh eh, pinayagan ka na ba?." tanong ni Raffy rito at tumango ito.

"Nice." higop ni Raffy sa kape.

"Anong plano niyo mamaya?." tanong ni Ranz sa amin.

"Alam mo na, ang katabi ko ay magpapakita kay Kai mamaya." asar ni Raffy at tiningnan ako.

"Mabuti, eh gala tayo mamaya." ani nito at tumayo na. "Mauuna na rin ako, marami pa kami gagawin sa bahay."

"Mag-iingat ka." kaway ko rito at sumaludo ito bago lumabas ng gate.

Bandang hapon ng lumabas kaming tatlo nina Raffy at Dewie para magmeryenda sa bagong bukas na Restaurant sa bayan. Nagchat naman si David na susunod ito at naglalaro lang ng Vollleyball.

"Pizza gusto ko kainin." sagot ko ng tanungin ako ni Raffy habang nakatingin sa Menu. "Yun akin saka malamig na softdrinks."

Umorder naman sila ng pasta, nachos at napakunot ako ng noo ng marinig na umorder si Raffy ng Lomi.

"Seryoso ka?." kunot noo kong tanong dito at tumawa si Dewie nang tumango ito. "Ang init-init."

"Hay naku, sakto ang dating ko." napatingin kami nang marinig si David na parang modelong rumarampa habang naglalakad papalapit sa amin.

"Magaling ka talaga makaamoy." asar na sabi ni Dewie rito.

"Ambag mo." ani ni Raffy at nilahad ang palad rito.

"Ito naman, nagmamadali." asik ni David rito at binigyan kami ng malapad na ngiti.

"Dadaanin mo nanaman kami sa kwento eh." reklamo ni Raffy pero inirapan lang siya nito.

"Kamusta naman biyahe mo Jae." baling nito sa akin at hindi pinansin si Raffy.

"Maayos naman, nakakaramdam pa nga ako ng hilo." sagot ko. Hindi naman kasi naging maganda biyahe ko, para akong natagtag sa eroplano kahit pa sanay na ako. Samahan pa ng ginabi kami kaya wala na masyadong biyahe pa Muñoz.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon