CHAPTER 33

16 1 0
                                    

"KAI"


"Hindi ako pwede may lakad ako." sabi ko kay Rhea matapos ako nitong yayain kumain sa labas. Pupuntahan ko kasi si Jae dahil maaga itong lalabas ng School at niyaya kami ni Jaro na kumain.



"Grabe naman." malungkot ang mukhang sagot ni Rhea sa akin at napabuga naman ako ng hangin.



"Babawi nalang ako kapag pwede na ha?." ani ko dito at saka nagmamadaling lumabas ng school at sumakay ng bus patungong Buklod.



Mukha pa ngang napaaga ako dahil hindi pa nagrereply si Jae at may klase pa ito kung kaya bumili muna ako ng biscuit sa tapat na tindahan ng school at softdrinks saka pinapak iyon sa labas ng Gate ng School nila.



"Kai." sigaw na lapit ni Jae sa akin at kasunod nito si Jaro at nag-apiran kaming dalawa.



"Oh saan tayo?." tanong ni Jaro sa aming dalawa. Bitbit nito ang dalawa nilang kaklase na si Willer at Lei na tamad pang umuwi.



"Kahit saan." sagot ni Jae at tumango ako kung kaya sumakay na kami ng kotse at saka niya iyon pinaandar.



Nagpunta kami sa isang tagong Restaurant sa Silay dahil hindi pa raw sila nagtatanghalian at para makagala na rin. Si Jae naman ay nakapatong ang ulo sa aking balikat at sinubukang umidlip. Kanina pa ito nagrereklamo na ang hirap daw ng Quiz nila kung kaya nanghihina ito.



"Nandito na tayo." tapik ko sa pisngi ni Jae at dumilat ito.


Pagkababa ay agad kaming pumasok sa loob at sinalubong ng isang waitress na nakasuot ng filipiniana.



"Table for 5." ani ni Jaro rito at giniya kami sa isang malaking lamesa at umupo roon.



"Pre mukhang mahal rito." sabi ni Willer habang nililibot ng tingin ang lugar.



"Kami ni Jaro bahala." sagot ni Jae at saka ngumiti sa akin at hinimas ko naman ang braso nito.



Silang dalawa nalang ang pinag-order namin dahil sa totoo lang hindi ako sanay kumain sa mga ganitong kainan, pang mayaman lang ito at halos lagi kong kinakainan ay mga fast food o kaya ay turo-turo lang.



"Anong gusto mo?." tanong ni Jae sa akin at pinaliwanag ang lahat ng laman ng menu.


"Ito nalang." turo ko sa Bulalo, tutal gusto ko naman ng sabaw ehehehe. Kung kaya tumango ito at sinabi sa waitress ang gusto ko.



Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon