CHAPTER 50

9 1 0
                                    

"ZEE"

"Sure ka na ba d'yan, Zee?" tanong Jae habang nagtitipa ito phone n'ya.

"I have to." sabi ko habang may tinitignan sa phone ko.

"Paano si Ranz?"

"Para din naman kasi sa aming dalawa yung gagawin ko." at napatingin na ako dito

"Sasaktan mo ulit sarili mo?"

"I have to. Kailangan ko nang balikan at harapin yung mga naiwanan ko sa Cavite. Kapag natapos na, saka ko aasikasuhin si Ranz. I don't want to commit yet habang hindi ko pa naaayos yun, that would be unfair for him."

"Eh yung pag alis mo ba hindi unfair para sa kanya? Masasaktan yun, Zee, kakasimula n'yo pa lang"

"I know, pero kailangang magtiis, ayoko namang ibigay sa kanya yung sarili ko hangga't may natitirang galit dito sa puso ko. Please, 'wag n'yo na lang sabihin na aalis na ako. Ayokong makita s'yang nasasaktan sa pag alis ko."

"Sige, kung yan talaga ang gusto mo. Kami nang bahala."

"Salamat"

I clicked on my phone and

"Successfully booked a flight. Buklod to Manila" basa ko sa nasa flash sa screen ko.

I'm really sorry, Ranz para rin ito sa ating dalawa.

"RANZ"

Isang buwan na rin ang nakalipas nung umamin ako kay Zee at napansin kong mas naging close pa kami sa isa't isa. Nakita ko na rin ang soft side nito. Well, minsan inaasar ko pa rin s'ya at para pa rin kaming aso at pusa kapag nag aaway.

Ilang araw na rin nung inilagay na ang lugar namin sa MGCQ, kaya naman mas maluwag na dito sa amin. At ayun nga, araw-araw kami halos napunta ni Kai kina Raffy para makita namin si Jae at Zee.

Pero ngayong araw ay may pa despedida daw sina Raffy at Dewie dahil babalik silang Buklod para dun muna tumira dahil mahal ang pamasahe ngayon at magtatrabaho ang mga ito.

"Ranz, ready ka na?" tanong ni Kai dahil kanina pa ito nandito at para bang hindi mapakali kanina pa.

"Oo naman. Tsaka, teka nga, ano bang problema at kanina ka pa nagkukuyakoy d'yan at di ka mapakali"

"A-Ah w-wala naman. T-Tara na, iniintay na nila tayo dun."

Ang weird. Feeling ko talaga may problema itong kaibigan ko eh, ayaw lang sabihin sa akin eh.

"What's up guys!" masayang sigaw ko nang makarating kami kina Raffy, pero parang hindi masaya ang mga ito. Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga pilit na ngiti ng mga ito.

"Alam n'yo, nakakalungkot talagang aalis sina Raffy at Dewie, pero wag naman sana nating pabaunan sila ng mga sad memories bago sila umalis. Kaya nga tayo nandito para magparty eh!" subok kong pagaanin ang mood ng mga ito.

May pakiramdam talaga akong may hindi tama sa mga kinikilos ng mga ito.

"O-Oo nga! Tara magparty na tayo!" sabi ni Zee.

Nawala na sa isip ko ang mga weird na nangyayari sa mga kaibigan ko dahil mukhang bumalik naman na ang mga ito sa mga sarili, nariyan at nagwawala na si Raffy sa kanilang karaoke, habang sina Jae at Kai naman ay para bang aso at pusang nagtatalo sa gilid. Kung anong pinagtatalunan nila ay hindi ko rin alam. Si Zee, eto tawang tawa kay Raffy na halos maputol ang litid kakakanta.

"Sht. Lowbatt ako! KAI PAHIRAM NG PHONE MAGTETEXT LANG AKO KAY MAMA" sabi ko kay Kai.

"Wala akong load pre!" sabi nito.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon