"JAE"
Hindi ko alam kung bakit pero patagal ng patagal ay tila ba nanlalamig si Kai sa akin. Nag-uusap pa din naman kaming dalawa pero hindi na ito nagiging madalas.
"Ang tahimik mo yata." puna ko rito minsang kumakain kaming dalawa dahil nagpilit ako para naman makapagdate kami, isang buwan na ang nakakalipas kung kaya gusto ko namang magkasama kaming dalawa ng mas matagal.
"W-wala may iniisip lang." pinilit nitong ngumiti at saka kinagat ang fries na hawak nito.
"Ayos ka lang ba?." tanong ko rito at tumango ito. Parang may iba kasi eh.
"Oo naman." sagot nito at pinagpatuloy ang pagkain kung kaya huminga nalang ako ng malalim at inenjoy nalang ang oras na magkasama kaming dalawa.
Pero habang lumilipas ang mga araw ay lalong lumalala ito. Dumadalang na rin ang pakikipag-usap nito sa akin na halos ako nalang ang nagi-insist na mag-usap kaming dalawa. Which is hinahayaan ko nalang dahil baka nga iniisip pa rin nito ang pagkawala ng inaanak niya.
"Kai." chat ko rito isang araw para magpaalam dahil nag-aya si Jaro na umalis, kung kaya gusto ko rin ito ayain.
"Gusto mo sumama sa amin ni Jaro gumala?." tanong ko rito at inabot ng ilang minuto bago ito nagreply.
"Ikaw nalang, kailangan ko tulungan si Mama sa pagtitinda." reply nito sa akin kung kaya pumayag nalang ako. Halata ring walang gana ito makipag-usap kung kaya di na ako nagreply.
Gustuhin ko man na kausapin at konsultahin si Ranz ukol sa behavior ni Kai pero nahihiya naman ako dahil baka mag-isip ito na tila hindi maganda ang nangyayari sa amin kung kaya tiniis ko nalang na huwag itong kausapin.
Umalis kaming dalawa ni Jaro at tila ba napansin nitong lumilipad ang isip ko kung kaya siniko ako nito.
"Ayos ka lang ba?." tanong nito bago paandarin ang sasakyan.
"O-oo naman." sagot ko at pinilit na ngumiti rito.
"Sigurado ka?." muli nitong tanong at tumango lang ako ulit.
"Sure na sure kaya tara na." aya ko rito at saka nito pinaharurot ang sasakyan at nagpunta kami ng Doña Severina, sa Coffee Shop kung saan kami nagkausap ni Kai at nagkaaminan ng aming mga feelings, kung saan nagsimula ang love story na sa hinagap ay hindi ko akalaing magkakatotoo.
"Throwback?." nakangiting tanong ni Jaro habang nakatitig ako sa labas ng shop kung saan kami nagkausap ni Kai.
"Sana dala ko ang diary ko." sagot ko rito. "Sana nasulat ko kung ano man ang nasa utak ko ngayon."
"Why?." tanong nito pero pinagaan ko nalang ang pakiramdam ko, ayoko kasi mag-isip ng di maganda. Wala naman siguro kasing nangyayaring kakaiba at baka napa-paranoid lang ako.
"Wala lang, parang ang sarap lang magsulat kasi bumabalik lahat ang pananabik na naramdaman ko nung una akong naririto." sagot ko kay Jaro.
"Alam mo kung may problema kayong dalawa, yun ay isang challenge lamang." pagpapakalma nito sa akin. "Magiging maayos rin ang lahat."
"I know." sabi ko rito at saka tumango. "Siguro dahil bihira lang kami may pagkatampuhan na dalawa kung kaya naninibago ako kung sakaling may di kami pagkakaintindihan."
"Panigurado kaya wag ka mapraning, andito ako kung kailangan mo ng tulong." nakangiti nitong sabi sa akin kung kaya di ko napigilang yakapin ito.
Kung hindi lang nagkataon na si Kai ang minahal ko at una kong nakilala si Jaro, siguro hindi ako mahihirapang mahalin ito dahil talagang napaka Ideal Boyfriend nito. Napakabait at talagang hinding-hindi ka iiwanan sa ere.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)