CHAPTER 27.1

16 1 0
                                    

"KAI"


Umaga palang ay busy na ang lahat, pareho kaming puyat nina Jae, Raffy, Ranz, Dewie, Rudolf at Denver dahil nanood kami ng Ms.Muñoz 2019 kagabi at anong oras na kami nakauwi.


Ngayon naman ay araw na ng Fiesta at nagising ako dahil sa ingay sa baba, pagbukas ko ng aking cellphone ay nagulat ako nang makitang pasado alas nwebe na kung kaya bumangon ako para makapaghilamos.


"Aba maigi bumangon kana." bati ni Papa nang makita akong bumaba ng hagdanan at binilisan ko dahil may mga bisita na agad.


"Good morning po." nahihiya kong bati sa kanila at tumakbo sa kusina.


"Tulungan mo kami mag-asikaso pagkakain mo ha." sigaw ni Mama at tumango lang ako rito.


Nireplyan ko muna ang mga chats ni Jae bago ako kumuha ng plato para mag-almusal, kagigising lang din daw niya at tumutulong na agad siya mag-asikaso sa kanila.


"Si Jae, pupunta ba?." tanong ni Papa sa akin.


"Opo kaso bandang hapon pa kasi may bisita sya sa kanila." sagot ko at tumango naman ito.


Matapos kumain ay nilagay ko nalang sa lababo ang aking plato at saka tinulungan silang asikasuhin ang mga bisita at pati na rin ang mga pagkain.


Nakakaasar yung ganito, ang OA! ang aga-aga pa nagpupuntahan na dito eh tanghalian naman talaga dapat kapag Fiesta diba? halata pang mga di nag-almusal dahil ang lalakas kumain. Hindi ko tuloy maiwasang mainis, ilang taon nang ganyan. Kala mo may inambag para mainis ano? ahahaha.


Naligo ako matapos magpahinga at saka sinuot ang regalo ni Jae na damit sa akin, ang ganda at ang sakto lang nito. Nagsuot din ako ng sapatos at kumain ng tanghalian bandang ala-una na.


"Papunta na ako." chat ni Jae at tinanong ko kung susunduin ko pa ba siya pero tumanggi na ito kung kaya naghintay nalang ako sa salas. Si Ranz naman ay papunta na rin.


"Magandang hapon po." napalingon ako at napatayo ng makita si Jae sa may pintuan kasama si Ranz.


"Oh, maigi nandito kana." ngiti kong bati rito at kinuha ang dala nitong cake. "Bakit nag-abala kapa." bulong ko.


"Nukaba, ayos lang." sagot nito at saka umakbay sa akin.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon