SPECIAL CHAPTER 2

36 2 0
                                    

"KAI"


"Aabot pa ba tayo?." kinakabahan kong tanong kay Jaro habang nakasakay kami sa loob ng eroplano.


"Malamang sa program ng party ay hindi na tayo aabot, pero ang mahalaga darating tayo." sagot naman nito sa akin at tinapik ang balikat ko.


Kung kaya marahas akong napabuga ng hangin at saka inayos ang aking pagkakaupo ng simulang umandar ang aming sinasakyan.


Masyadong mabigat ang mga nangyari nitong nakaraan, sa totoo lang ay akala ko hindi na ako makakaahon. Maraming salamat lang talaga sa mga kaibigan ko na tumulong para maplantsa ang lahat ng gusot na nangyari.


"Maraming salamat." pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa aking mga mata matapos sabihin iyon kay Rhea.


"Maraming salamat saan?." tanong nito sa akin.


"Kasi hindi ako ang ama ng dinadala mo." sagot ko rito at narinig ko ang sunod-sunod nitong paghinga.


"S-sabi na nga ba Kai!." napalitan ng galit ang boses nitong kanina ay nanginginig. "Hindi ko akalain na magagawa mo ito."


"Maraming salamat sa mga kaibigan ko." sabi ko rito. "Wala na akong panahon magalit, bueno kukunin ko lang ang resulta at saka ibibigay sa pamilya mo ang kopya."


"Tek-.!." hindi ko na siya hinayaang magsalita pa at pinutol na ang linya. Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako, hindi ko alam kung saya ba itong nararamdaman ko, para kasing gumaan bigla kung kaya hindi ko napigilan muli ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.


Kinuha ko ang cellphone ng marinig kong tumunog ito at malakas na sigaw ni Jaro ang sumalubong sa akin.


"TANGINA! CONGRATS!." Masayang sabi nito pero parang hindi ko iyon masabayan.


"Kai?." tawag nito sa akin kung kaya pinigilan kong umiyak.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon