CHAPTER 19

17 1 0
                                    

JAE


10 am na ako nagising dahil sa sobrang pagod sa pageant kagabi, mabuti na lang talaga at wala akong pasok ngayon, pero hindi ko pa rin makalimutan yung mukha ni Kai kagabi.


Kaya naman minabuti ko muna na buksan na muna ang phone ko, pero wala akong message na nakita maski isa na galing kay Kai.


"Usap tayo bukas - Seen 1:56 am" yan ang aking nabasa nung silipin ako ang messages naming dalawa.


Napabuntong hininga na lamang ako at bumangon na para makakain.


Matapos kong kumain at maligo ay nagpaalam ako kay Tita Rosie na pupunta lang akong computer shop, tumango lang ito sa akin.


At tama nga ang hinala ko nandito nga si Kai at kung titignan mo ay parang wala pa itong tulog dahil namumungay na ang mga nito habang nakaharap sa nilalaro.


"Uy, Kai!" pagtawag ko dito ngunit hindi ito tumingin man lang o sumagot.


"Uyy, Kai!" pagtawag kong muli dito at kinalabit ito para pansinin ako.


Ngunit nagulat ako nung bigla itong humampas ng malakas sa mesa kung saan nakalagay yung keyboard.


"Kainis naman! Talo ulit!" sigaw nito sabay tayo at labas ng computer shop.


Samantalang ako ay naiwanang napahiya sa loob, kung kaya sumunod na lang din ako palabas dito.


"Alam mo hindi kita maintindihan, inaano ba kita? Kagabi ka pa hindi namamansin" sambit ko rito sabay upo sa tabi nito sa harap ng computer shop.


Wala naman akong natanggap na tugon at bakas mo sa kaniyang mukha ang pagkagalit nito, hindi man lang ito nangiti o natingin man lang sa akin.


"Ay nako! Bahala ka nga! Kung ayaw mo akong kausapin. Magchat ka na lang pag hindi na mainit yang ulo mo!" bulyaw ko rito.


Akmang tatayo na ako nang may tumawag sa pangalan ko.


"Uy, Jaro! Bakit ka nandito?" tanong ko sa taong tumawag sa akin.


"Wala naglalakad lang ako dito. Pero, tapos mo na ba yung assignment sa steno? Pakopya naman ako, pleaaaase?" tugon nito sa akin.


"Hahaha. Oo tapos ko na. Tara kunin ko lang" pag aaya ko rito at tumayo na sa upuan.


Umalis kami ng hindi ko man lang nililingon si Kai, marahil sa inis ko rin sa ginagawa nito.


KAI


"Uy, tol! Easy ka lang baka masira mo yang keyboard!" pagsaway sa akin ni Ranz na kalaro ko ngayon.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon