CHAPTER 45

12 1 0
                                    

"KAI"



"Pupuntahan ko kayo doon mamaya!." ani ni Tito Pords sa amin nang magpaalam sina Jae at Zee na sumama sa amin sa ilog.


Kinakabahan ako dahil mukhang masesermunan pa kami. ECQ nga raw naman kasi at bakit makukuha pa naming mag-gala.

"Eh kaso wala naman din ginagawa mga bata dito, hayaan nalang natin. Dalawin mo nalang." ani naman ni Tita Rose sa asawa niya.

"Yun na nga, buti nalang may kilala tayo doon, kaya papayag ako pero mag-iingat kayo." sabi naman nito at napapalakpak kami.

"Mag-iingat ha." sabi ni Tita Rosie.

"Thank you po." sabay na sabi nina Zee at Jae rito at saka nag-ayos ang dalawa. Kami naman ay umuwi muna para magpakita sa aming mga bahay, at nagpaalam na rin. Tutal pumapayag naman sina Mama lalo na at kami naman ni Ranz ang magkasama.

Naglakad nalang kami patungo sa ilog. Sa tubuhan kami dumaan para hindi kami masita ng mga rumoronda lalo at may curfew rin sa hapon. Si Jaro naman ay di makakasama dahil di ito makalabas at nakalockdown ang barangay nila dahil may apat na PUI doon.

"So Hot!." reklamo ni Zee habang hawak ang payong. "Myghad malayo paba?."

"Medyo." sagot ni Ranz at lumapit ito rito saka hinawakan ang payong nito.

Si Jae naman ay pinunasan ko ang noo dahil pinagpapawisan iyon at maya't-maya ang tigil dahil pinipicturan ang lugar.

Isang oras din ang lumipas bago kami nakarating sa ilog. Walang katao-tao at sobrang tahimik, kung kaya ang sarap sa pakiramdam.

"Ang ganda naman." ani ni Jae at nagpicture kaming apat bago pinuntahan ang bahay nina Denver roon at saka nilapag ang mga gamit.

"Infairness kina Denver ha, kumpleto gamit." ani ni Jae habang pinagmamasdan ang bahay.

"Nako kapag nag-iinom kami noon dito kami napunta." sagot ko naman sa kanya. "Kaso nakabili na kasi sila ng bahay diba kaya nabakante to."

"Buti hindi nananakawan." ani naman ni Zee at umupo sa sofa.

"Dinadalaw naman nila every week." sagot ko rin dito at tiningnan si Ranz.

"Kuha ka na panggatong." utos ko at sumama naman si Jae rito.

Si Zee naman ay nilagay ang mga gamit sa kwarto. Kami ni Jae ang magkasama sa isang kwarto at halos magmaktol nanaman ito.

"Babe time." ngisi kong sabi sa kanya kaya wala itong nagawa. "Kayo rin mag Babe Time."

"Babe Time mo mukha mo!." asik nito at tinawanan ko nalang saka nagpunta sa kusina.

Tinulungan na rin ako ni Zee na mag-ayos ng pang surprise namin kay Jae. Tinext ko si Ranz na tagalan nila dahil ilang lobo rin itong aming papahanginan at idedecorate pa.

"Nabati kana ba ni Jae?." tanong sa akin ni Zee habang inaayos ko ang mga lobo.

"Hindi pa." sagot ko naman. Nagtataka nga rin ako dahil di ako binabati.

"Baka may surprise din sayo." ani nito kaya nagkibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Pabalik na kami." text ni Ranz sa akin at sakto ay tapos na kaming dalawa ni Zee sa ginagawa at naglinis na.

"Alam mo-."

"Happy Monthsarry!." sigaw naming tatlo pagpasok ni Jae at halatang nagulat ito.

"Sino may Monthsarry?." tanong ni Jae at napasapo sa dibdib nito. "Nagulat naman ako."

"Aba eh kayo." sagot ni Zee at nakita kong kumunot noo nito.

"Monthsarry namin?." tanong ni Jae. "Totoo ba Kai?."

Napasimangot ako sa sinabi niya. "Seryoso ka di mo talaga tanda?."

Umiling naman ito sa tanong ko. "Hindi, sorry na. Di ko talaga alam."

"Aw, nakakasama naman ng loob." ani ni Ranz kung kaya lumabas na ako ng bahay at saka umalis. Nakakasama talaga ng loob! ano kaya pala ako di binabati kasi di naman alam na monthsarry namen. Grabe naman yon, parang di ako ganong kahalaga.


Ilang araw akong nag-isip nang gagawin para i-surprise siya, nag-expect pa naman ako kay Zee na baka may surprise rin ito sa akin kaso yun pala talagang nakalimutan.

"Hoi Kai!." agad akong nag-iwas ng tingin ng makita si Jae na papalapit sa akin. Bwisit to!.

"Sorry na." sabi nito at hinawakan ang braso ko pero agad kong inalis iyon. "Di ko talaga tanda."

"Ewan ko sayo." irita kong sabi rito at saka lalong sinimangot ang mukha ko.

"Sorry na." ani pa rin nito sa akin at saka ako niyakap. "Pero promise natuwa ako sa ginawa mo."

"Natuwa pero nakasimangot ka." iritable kong asik rito. "Ang sakit kaya na di mo naalala monthsarry naten."

Hindi nalang ito nagsalita at mas hinigpitan ang yakap sa akin habang nakatingin sa ilog. Ako naman ay napahinga na lang ng malalim. Wala naman masama na magtampo diba, pero nangyari na eh, hahayaan ko nalang. Hindi nalang ako kumibo hanggang sa umalis si Jae at iniwan akong mag-isa.


Habang nagdidinner kaming apat ay si Ranz lang ang maingay. Panay lang titig ko kay Jae at hindi rin ito nagsasalita at hindi man lang ako tinititingnan, pota parang kasalanan ko pa ha.

"Ano ba yan ang tahimik." puna ni Zee. "Hindi ako sanay na walang naghaharutan."

"Oo nga, nasaan na yung magjowang ibon." sabat naman ni Ranz at nagka-apiran pa sila, wow nagkasundo si Tom and Jerry. Dumating si Tito Pords at kinamusta kami, chineck din nito ang buong bahay at saka may binigay rin na mga pagkain saka umalis ng makitang ayos kami.

Matapos kumain ay nagkayayaan maligo sa ilog at madilim na. May ilaw naman mula sa bahay at malakas din ang liwanag mula sa buwan.

"Wala bang pag-asa na may magbabati?." parinig ni Zee habang naliligo kami.

Lumapit naman si Jae at niyakap ako mula sa aking likod at hinalikan ang aking balikat.

"Meron." ngisi nitong sabi at napapikit ako ng hawakan nito ang aking alaga at hinimas iyon.

"Ayun mabuti naman." sagot ni Ranz at naghabulan silang dalawa ni Zee at naglaro sa ilog.

"Happy Monthsarry." bulong nito at kinagat ang tenga ko.

Puta ang tagal ding walang nangyari sa aming dalawa kung kaya bigla ako naexcite.

"Sorry na." bulong pa nito at pinasok ang kamay sa aking shorts at hinimas ang tigas ko nang alaga.

"U-ugh." tanging sagot ko lang. Puta ito mahirap sa mga talagang first timer nakaranas ng sex, hindi ka makaresist.

"Oo na." sagot ko at humarap rito. Luminga muna ako sa paligid at nang di makita ang dalawa ay hinalikan ko si Jae sa labi.

"I love you." sabi ko rito atsaka ngumiti.

"I love you more." tugon nito at muli akong hinalikan sa labi.

"TAMA NA YAN!." napalingon kami ng sabay na sumigaw ang dalawa at binato kami ng mga chichirya.

"Mamaya na yan!." dagdag pa nila at saka tumalon sa ilog saka kami nakipaglaro sa mga ito. Talagang humanda sa akin mamaya si Jae dahil aararuhin ko siya ng hapit hahahahaha.

Matapos naming maligo at bumalik sa bahay ay nilabas ko ang cake na ginawa namin para kay Jae. Hinalikan ako nito sa pisngi at nagpalakpakan ang dalawa, shet parang ang saya lang ng araw na ito kahit medyo epic.

"Kayo gumawa nito?." tanong ni Jae at tumango kami.

"Yup kaninang madaling-araw." nakangiting sabi ni Zee at hinati iyon.

Inabot na rin kami ng alas dose bago namin naisipang magpahinga na, syempre gagawa pa kami ni Jae ng baby eh hahaha.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon