PAGTATAPOS

29 1 0
                                    

"KAI"

Pinilit kong ayusin ang sarili ko habang sinasamahan si Rhea sa Center para magpacheck-up ito. At napapikit ako ng biglang sabihin ng OB niya na nirekomenda kami sa isang Clinic para mas matignan ito ng maayos.

"Ito na nga yun." bulong ko sa sarili kung kaya kinuha ang recommendation letter na inabot ng Doctor at muli kaming bumyahe ni Rhea sakay ng jeep.

"Ang bait naman nung nagrecommend sa atin." nakangiting sabi ng kasama ko habang hinihimas ang tiyan nito.

Ngumiti nalang ako at saka tumango sa sinabi nito dahil hanggang ngayon sa maaaring mangyari.

"Pasensya kana Rhea, pero sa totoo lang may duda na rin ako ngayon." sabi ng utak ko habang nakatitig rito.

Bumaba kami ng Jeep at inalalayan ito tumawid patungo sa Clinic at agad na pumasok sa loob.

"Pinapupunta kami rito ng Center para magpacheck-up." sabi ko sa isang nurse at inabot ang recommendation letter rito.

"Pasok na po kayo sa loob." utos nito kung kaya naglakad na kami ni Rhea papasok sa loob ng opisina ng tita ni Jaro.

"Good Morning." bati sa amin ni Doctor Caroline nang makapasok kami sa loob at agad kaming pinaupo.

Pasimple ako nitong kinindatan at tumango naman ako rito.

"Doc kayo na po bahala." napapikit ako ng mahinang sabihin iyon.

Sinimulan nitong kausapin si Rhea at saka ito chineck-up. Hanggang sa dumating na nga sa point na pinatayo niya ito at dinala sa kabilang kwarto.

"Maiwan ka muna namin." paalam sa akin ni Doktora at muli akong kinindatan at sumenyas ito na maging kalmado lang ako kung kaya tumango ako rito atsaka ngumiti.

May katagalan rin iyon kung kaya nainip ako atsaka kinuha ang aking cellphone at saka naglaro. Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumalik ang mga ito.

"So far sundin mo lang lahat ng mga dapat mong gawin, mag-iingat ka at ingatan ang baby ha." kaunting paliwanag pa ni Dok bago kami nito pinayagang umalis na roon.

"Maraming salamat doktora." ani ni Rhea rito atsaka kami umalis na ng Clinic para ihatid ito sa kanilang bahay.

"Bakit kasi ayaw mo pang sa inyo na ako tumigil?." reklamo nito sa akin.

"Kapag nanganak ka na lang, dumadalaw naman ako sa inyo." sagot ko rito habang inaalalayan.

"Kasi ano? nakikipagkita ka pa rin kay Jae ha?." tila umakyat ang mga dugo sa ulo ko ng marinig iyon.

"Rhea, utang na loob." banta ko rito. "Kung gusto mo magkaayos tayo ay wag kang mandamay ng ibang tao rito."

"Bakit totoo naman ha." tumaas ang boses nito pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko.

"Matagal nang wala si Jae at umuwi na sa kanila, masaya ka na ba?." bulyaw ko rito. "Nagtagumpay ka na! ano pa bang gusto mo?."

Natahimik ito sa sinabi ko at hindi na nagsalita kung kaya nakahanap na rin ako ng tyempo para makapagpaalam at uuwi na. Ayoko talagang nagtatagal na kasama ito at naaalibadbaran ako. Buhat lalo nung sinabi sa akin nina Jaro at Ranz na posibleng hindi talaga ako ang ama at niloloko lang ako ni Rhea para maagaw ako nito kay Jae, lalo tuloy akong nakakaramdam ng suklam rito at nakakaramdam ako ng awa sa bata na nasa sinapupunan nito kung sakali.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon