CHAPTER 52

9 0 0
                                    

"KAI"

"Ha?." halos kilabutan ako sa aking narinig. Agad na tumulo ang luha sa aking mga mata at agarang pinutol ang linya at napaupo.

"Anong nangyari?." lapit sa akin ni Mama dahil bigla akong napahagulgol ng iyak.

"S-si Skye." sabi ko at muling napaiyak. Niyakap ako ni Mama at hinimas ang aking likod. Pinunasan ko ang aking kamay sa mukha at agad na tumipa sa aking cellphone.

"Ano ba! galit pa ako sayo!." asik sa akin ni Ranz at muli akong napahagulgol ng iyak.

"Pota hoi anong nangyare?." sigaw na tanong nito pero hindi pa rin ako makapagsalita.

"W-wala na si Skye." pinilit kong sabihin rito at bigla nitong pinutol ang linya.

Si Skye ay ang aming inaanak na anak ng aking pinsan at kababata rin namin ni Ranz. Siya lang ang namumukod tanging inaanak ko at mahal na mahal ko ang batang iyon. Kaya ang tawag non sa akin ay Daddy Kai. Nung isang araw ay nilagnat ito at dahil sa takot ni Gary na ama nito at syempre namin ay inabisuhan naming itakbo na ito ng ospital para magamot agad.

Imposible namang Covid ang sakit ng bata dahil wala namang lumalabas sa kanila kung kaya nadala naman ito ng maayos sa ospital, ang sabi sa amin kahapon ni Gary ay dengue raw ang tumama rito at medyo umayos raw ang lagay ng bata.

Kaya laking gulat ko ng itawag ni Gary sa akin ang balita. Masyadong bata pa si Skye, dalawang taon lang ito. Ang lungkot-lungkot ko dahil wala na ang paborito kong inaanak at wala na akong kukulitin palagi.

"Kai." napaangat ako ng mukha ng marinig si Ranz at agad itong tumabi sa akin.

"Puta naman, paano ako makakamove-on nito." bulong nito. "Ang sakit sakit pa nga tapos umalis din inaanak ko." hikbi nitong dagdag.

Mukha lang kaming ewan na umiiyak na dalawa. Bale ba eh di pa rin makaget-over si Ranz nung umalis si Zee tapos biglang eto naman ang nangyari. Agad na tinext ni Ranz si Jae kung kaya nagpunta rin ito agad sa bahay.

"Kumalma ka lang." bulong nito habang nakahiga ang ulo ko sa balikat nito.

Walang kahit anong salita yata ang magpapakalma sa akin ngayon dahil di ko maexplain ang lungkot na nararamdaman ko. Maigi nalang at kahit papaano nandito si Jae at gumaan ang pakiramdam ko.

Pagabi na ng dumating si Gary at kinwento nito ang lahat.

"Bale tumaas ulit ang lagnat niya kaninang umaga." kwento nito. "Bumili lang ako sa labas ng gamot pero pagbalik ko ay nirerevive na ang anak ko."

"Ang sabi nila ay bigla daw nagkombulsyon at ayun nagtuloy-tuloy na." bigla itong napahahulgol. "Sa totoo lang ay di pumasok sa utak ko ang lahat ng sinabi nila."

Naaawa ako ng sobra sa pinsan kong ito kung kaya niyakap ko ito ng mahigpit. Buhat ng dumating si Skye sa buhay nito ay naging masipag at nag-iba ito, mahal na mahal nito ang anak at walang ibang iniisip kundi mabigyan ito ng magandang buhay. Kung kaya talagang napakasakit para rito ang mawalan ng anak. Ang ina ng bata ay iniwan si Gary pagkapanganak kay Skye dahil sumama ito sa isang mayamang lalake. Maigi nalang na iniwan sa kanya ang bata noon, at mula noon ay kay Skye na umikot ang buhay ni Gary.

"Nandito lang kami." tapik ni Ranz sa balikat nito. "Wag kang mapanghinaan ng loob, wag mong ipakita sa anak mo kahit sa huling sandali."

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon