CHAPTER 56

13 1 0
                                    

"JAE"

Ilang araw din akong umiwas na makausap si Kai, hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa mga nangyari nung nakaraan kung kaya pinili kong hayaan na muna ito at magpalamig ng ulo. Kapag ayos na saka nalang kami mag-uusap.

Si Jaro ang madalas kong kasama, hindi ko nailihim rito ang nangyari at sa totoo lang, gusto niya itong makausap pero ako lang ang nagpipigil. Hindi rin nalingid kay Raffy dahil nakita nito ang sugat sa aking daliri kaya nagtanong ito.

"Oh ayos ka lang ba?." tanong ni Jaro matapos ko pumasok sa loob ng sasakyan at binaba ang aking face mask.

"Yup." nakangiti kong sagot rito.

"Eh teka, daan muna tayo sa Center bago natin puntahan si Willer ayos lang?." tanong ni Jaro at napatingin ako sa tinuro nitong pagkain.

"Para kanino yan?." takang tanong ko. "Ang dami."

"Birthday ng Ninang ko na Head Doctor ng Center, pinabibigay ni Mama." sagot nito.

"Ohhh kaya pala." tangong sabi ko lang. "Ayos lang."

Pinaharurot na nito ang sasakyan at ilang minuto lang ay nasa Center na kami. Kasalukuyang pinapark na ni Jaro ang sasakyan ng maagaw ang atensyon ko ng dalawang pigura na nasa pintuan ng center at nag-uusap.

"Jaro." kalabit ko rito at saka nito sinundan ang tinuro ng aking kamay.

"Si Kaiden at Rhea yun ha?." gulat nitong bulalas at saka ito tumingin sa akin.

Napapikit ako ng mata nang masaksihang kung paano nito hawakan si Rhea at alalayan sa paglalakad, tila masaya pa ang dalawa sa pinag-uusapan nila hanggang sa naglakad ang mga ito palayo.

Kumunot naman bigla ang noo ko ng makitang sumunod na lumabas ng Center si Ranz at sinundan ang dalawa.

Napahawak ako ng madiin sa braso ni Jaro at biglang tumulo ang mga luha sa aking mata.

"Jae kalma lang." alo sa akin ni Jaro dahil halos hindi ako makahinga sa pag-iyak nang masaksihan iyon. All this time pinaglololoko lang nila ako.

"M-mga walanghiya." masama ang aking loob. "Grabe sila."

"Jae." himas ni Jaro sa aking balikat. "Sssshhhh."

"Ang sakit Jaro." punas ko sa aking luha at pinatong ang aking mukha sa dibdib nito at saka doon umiyak ng umiyak.

"Alam ko." niyakap ako nito. "Alam ko, nandito lang ako."

Nagpaalam sandali si Jaro para gawin nito ang business nito roon, bumalik din naman ito agad na tila ba namumutla kung kaya nagtanong ako rito.

"Anong nangyari sayo?." tanong ko rito nang makapasok ito sa loob.

"W-wala naman." ngumiti ito sa akin kung kaya lalo akong nagtaka. "Tara na?."

"Sige." di na ako nangulit rito at agad nitong binuhay ang sasakyan at umalis kami roon.

Pinilit kong maging ayos ang aking pakiramdam, pinilit kong mawala sa aking utak ang namumuong mga tanong dahil ayoko muna mag-isip ng iba. Gusto ko pa ring mas paniwalaan ang ibang positibong dumadaan sa aking isip at doon ako nagstick. Sa totoo lang ay ayokong mastress.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon