CHAPTER 6

26 2 0
                                    

"JAE"



"Raffy nasa airport na ako." balita ko sa bestfriend ko nang sagutin nito ang tawag ko.


"Ha?." tanong nito at halatang bagong gising pa.


"Nasa Airport na kako ako, pasakay na ako ng eroplano kaya sunduin mo na ako bakla." sigaw ko rito habang natatawa.


"Ano? Tinuloy mo talaga? Teka lang kagigising ko lang." reklamo nito at narinig ko ang kaluskos na ginawa nito.


"Oo sabi ko sa iyo eh." natatawa kong sagot at kinamot ang aking binti.


"Buti pumayag sina nanay mo." ani naman nito.


"Oo naman saka bakasyon." sagot ko at saka tumayo na ng marinig ang Flight number namin. "Oh paano kitakits nalang sa Airport papasok na ako sa loob."


"Osige, mag-aayos na rin ako puta ka nagulat ako sayo." bulyaw nito at tinawanan ko lang saka pinatay ang linya.


Sinikreto ko sa kanila ang aking pag-uwi dahil may gusto rin akong sorpresahin. Excited din naman ako maranasan ang Fiesta sa Muñoz kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng eroplano. Kaunti nalang at nandoon na ulit ako.


"Makikita na kita ulit." bulong ko at saka tumingin sa bintana.


"Jae!." sigaw na salubong ni Raffy at nagkayakapan kaming dalawa.


"Told you!." masaya kong sigaw rito. "Kala mo nagbibiro ako noh."


"Hayup ka talaga." masaya nitong sabi at saka ako binatukan ng mahina. "Tara na nagugutom na ako."


"Teka alam na ba nina Tita Rosie?." tanong ko at tumango ito.


"Oo nagulat nga sila ni Dewie, kaya ayun biglang naglinis si Tita ng bahay at namili si Dewie ng lulutuin."


"Sabagay kahit si Tito Pords nagulat nung nagmano ako." natatawa kong kwento rito at naglakad na kami patungo sa sasakyang Van.


Kumain muna kami ng tanghalian sa isang Fast food ng makarating sa Buklod dahil pareho na kaming gutom. Bumili din ako ng Donut pampasalubong sa bahay at saka sumakay ng Bus.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon