CHAPTER 24

19 2 0
                                    

"KAI"


"Walanghiya." mahina kong bulong habang pinagmamasdan ang eksena sa aking harapan habang nakatago sa gilid ng bakod nina Jae.


Nagchat itong pauwi na raw kung kaya naisipan ko itong sunduin para pumunta ng Comshop at yayain itong kumain ng meryenda, nanalo ako sa Tournament kahapon at nakaipon ako mula sa pagtulong sa ihawan nina Mama kung kaya may pera ako at makabawi man lang kay Jae, kaso ganito naman ang maaabutan ko.


Halos umakyat lahat ng dugo sa mukha ko nang makitang tumingin pa sa akin si Jaro bago nito halikan si Jae sa pisngi at saka umalis. Gusto ko itong habulin para masapok man lang kaso putangina- hindi ako makagalaw at di ko alam paano ko sisimulan.


Napakuyom ako sa aking kamao at saka naglakad paalis, hindi rin napansin ni Jae na naroon ako at maigi na rin yon.


"Yan, mas masaya ka pala sa kanya." para akong tangang nagsasalita habang naglalakad pabalik sa bahay.


"Sige lang, sige lang." dagdag ko pa at sinipa ang bato na nakaharang sa kalsada.


"Putanginamo Jaro." gigil kong sabi at siya ang nasa utak ko nung sinipa ko ang bato. "Putanginamo talaga." dumeretso nalang ako ng comshop dahil palagay ko eh kukulitin lang ako ng pamangkin ko kapag nasa kwarto ako.


"Oh sino kaaway mo?." tanong ni Raffy nang dumating ako pero hindi ko ito pinansin at dumeretso sa bakanteng PC at padabog na umupo.


"Kai." tawag ni Ranz pero di ko ito pinansin at nagbukas ng aking facebook, pero puta sana di ko nalang ginawa kaya naglog-out ako at napapikit.


"Putangina naman." hindi ko mapigilang bulyaw at sinuntok ang lamesa dahilan para magulat ang mga tao roon.


"Kai problema mo?." tanong ni Ranz at akmang hahawakan ko ito ng titigan ito ng masama.


"Wag kang lalapit." banta ko rito atsaka lumabas ng Comshop at naglakad kahit walang patutunguhan.


"BAKET?????!!!!." Sigaw ko nang makarating sa ilog. Ilang beses kong sinigaw ang nararamdaman ko. Ang daming tumatakbo sa utak ko nitong mga nakaraan, naguguluhan ako bakit tila nahuhulog ako kay Jae kahit alam kong mali. Pero dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko hindi iyon maipakita sa kanya kung kaya hinayaan ko ang sarili ko, pero bakit naman ganito?.


Hindi ko napigilan at tumulo ng tuluyan ang luha sa aking mga mata, dala ng sakit, sama ng loob at awa sa sarili, napaluhod ako at iniyak ang lahat.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon