CHAPTER 61

19 1 0
                                    

"ZEE"

So, that whoRHEA planned all these things huh? Let's see who's brighter between the two of us.

Up until na binabaan ko ng call itong si Ranz eh panay pa rin ang pangungulit nito ng messages kaya tinawagan ko na lang ulit ito.

"YUN! SALAMAT NAMAN, TUMAWAG KA NA! Miss moa ako no? Uyyy! Aminin" pang aasar nito.

"Tse! Wag ka munang maingay d'yan. I have a plan para malaman natin kung si Kai nga ang tatay ng dinadala ni Rhea" sambit ko rito.

"So, ano?"

"Wait, di mo kayang mag-isa na gawin to, I'll call someone to help you"

"Hello?" sagot nito sa tawag.

"Yes, Jaro? We need your help to know if Kai is the father of the child" sagot ko kay Jaro at naka conference call na kaming tatlo.

"Pero, nakita ko may nangyari sa kanila nun, baby" sambit ni Ranz.

"Oo nga, tsaka wala naman kaming kilalang ibang nakarelasyon ni Rhea." dagdag naman ni Ranz.

"I know, but I want to make sure if si Kai nga ba talaga ang nakabuntis. I know that trick she's playing. Maybe she paid a guy to impregnate her and pretend that it is Kai's child. What do you think? pagpapaliwanag ko.

"Pwede rin, pero paano natin malalaman?" tanong ni Ranz.

"Oo nga, eh more or less 3 months pa lang yung pinagbubuntis ni Rhea. Kung ipapa DNA test naman natin edi maghihintay pa tayo ng 6 months para lang makuhanan ng sample ang bata?" pag sang-ayon naman ni Jaro.

"Have you guys heard about non-invasive prenatal paternity test?"

"Non-invasive fraternity test?! Isasali natin sa frat si Kai?! Ay di naman ako papayag n'yan" sambit ni Ranz.

"Sira! Non-invasive PRENATAL PATERNITY TEST. Para malaman natin kung si Kai nga ba ang ama ng bata." ani ko.

"Ngayon ko lang narinig yan" sambit naman ni Jaro.

"Okay, explain ko sa inyo. So, this test let us know kung sino ba ang ama ng pinagbubuntis ng isang ina, using maternal blood during pregnancy which is merong fetal DNA. So, that fetal DNA can be isolated to the plasma using technologies. That fetal DNA holds some of the DNA of an unborn baby, which can be compare to the father's DNA." pagpapaliwanag ko.

"So, paano naman tayo makakasigurado na accurate ang lalabas na results? Sabi mo nga some of the DNA lang ang meron doon sa fetal DNA." tanong ni Ranz.

"Nice question, well, according to my research, the non-invasive prenatal DNA paternity test provides 99.9% accuracy, more than any other type of prenatal paternity test. This genetic information is compared with DNA collected from the check cells of the father to determine the likelihood that he is the father. So, wala kayong dapat ipag alala kung mali ang magiging results, dahil accurate ang test na yan." mahabang litanya ko.

"So, anong plano?" tanong ni Jaro.

"You know an OB-Gyne, Jaro?" tanong ko.

"Yes, tita ko, OB s'ya"

"That's great, maybe you can convince her na kumuha ng maternal blood that can be used as specimen para sa test, and make sure na hindi s'ya malalaman ni Rhea, okay?"

"Ranz, you can convince Kai na ipacheck up yung higad na babaeng yun sa Tita ni Jaro, you can make stories about sa mga nagawang milagro ng tita ni Jaro. Then, ikaw na rin ang bahalang kumuha ng sample ni Kai, pwedeng buhok or laway n'ya. Basta wag mong sasabihin kay Kai yung plano natin. Kilala kita, walang preno yang bibig mo! Pag sinabi mo yan talaga, wala ka nang aasahan sa'kin!" sambit ko naman kay Ranz.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon