CHAPTER 15

18 2 0
                                    

"JAE"


Dahil August pa naman ang pasukan namin ay halos mabaliw-baliw ako sa sobrang boring sa bahay. Si Raffy at Dewie ay may trabaho pa kung kaya ang aking pinagkakaabalahan ay ang alagaan ang dalawang pamangkin ni Dewie.



"Jae pwede mo ba ako samahan mag-enroll?." basa ko sa message ni Kai sa aking cellphone habang binabantayan ang dalawang bata.


"Oo naman." sagot ko rito at maya-maya lang ay nagreply na ito.


"Sige bukas ng umaga." sinabihan ko nalang siya kung anong oras at saan kami magkikita bukas para masamahan ito, napangiti naman ako dahil ako pa ang inaya nito.



Nang dumating si Tita Rosie ay nagpaalam akong lalabas at tumango lang ito, nagpunta ako sa bayan para bumili ng meryenda at para makadaan na rin ng comshop at mangamusta doon. Buhat kasi nung nagstart ako mag-asikaso para sa school na aking papasukan ay hindi na ako nakakadalaw doon, bihira lang namin kami magkachat ni Kai kung kaya namimiss ko ito.



Bumili ako ng apat na shawarma para sa mga kaibigan ko, pagdating ko ay saktong nandoon naman sila at kasalukuyang naglalaro kung kaya agad akong lumapit kay Bert para iabot ang isang shawarma rito.



"Salamat Jae." ani nito sa akin at kinuha ang pagkain.



"Kuha ka rin ng softdrinks ako magbabayad pati dun sa dalawang mokong" nguso kong turo kina Kai at Ranz na hindi pa rin ako napapansin dahil busy maglaro.



"Hoy." gulat ko sa mga ito at inabot ang dalawang shawarma. "Magmeryenda muna kayo."


"Yun sakto." masayang kuha ni Ranz rito. "Bale ba eh naisip namin bumili ng meryenda pagkatapos nito." turo sa nilalaro. "Salamat Jae."



"Salamat." nakangiting sabi ni Kai at sinimulang kagatan ang shawarma. "Doon mo ito binili sa tapat ng bahay namin noh."



Tumawa naman ako at saka tumango rito. "Kunin niyo nalang din ang sotfdrinks kay Bert." utos ko sa kanila at nagbukas ng isang PC para manood ng paborito kong Paranormal Series.



"Oh." patong ni Kai ng softdrinks sa harapan ko at tumabi ito sa akin. "Ang hilig mo diyan." sabay turo sa sinearch kong palabas na Ghost Adventures.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon