CHAPTER 13

20 2 0
                                    

"JAE"

Bumalik na kami sa Resort matapos tumambay sandali sa labas para magpahinga, si David at Denver ay nagpunta sa kwarto nina Raffy samantalang ang magbestfriend na si Kai at Ranz ay naisipang ikutin ang buong Resort.

Ako ay agad humiga at tumitig sa kisame, maya-maya ay tumayo ako para kunin ang aking Diary at bumalik sa kama para magsulat nang aking naramdaman kanina.

"Ano ginagawa mo?." nagulat ako nang marinig ang boses ni Kai at agad na tinago ang notebook sa ilalim ng unan bago humarap rito. Sa sobrang tuwa ko magsulat ay di ko na namalayang bumukas ang pintuan.

"W-wala." sagot ko at nginitian ito, sumunod namang iniluwa ng pintuan si Ranz at nahiga ang mga ito sa kama.

"Ang boring." reklamo ni Ranz habang nakatitig sa kisame. "Wala man lang TV."

Natawa ako napailing sa sinabi nito at umayos ng higa. Mayamaya ay sumilip naman sa pintuan sina David at Raffy at inaya kaming lumabas.

"Mamaya nalang ako." sagot ko sa mga ito. "Gusto ko pa humiga."

"Aw, sige." sagot ni Raffy. "Hanap muna kami ng Locals." at naghagikgikan silang dalawa ni David at saka umalis.

"Lahat nalang puntahan ng mga yun kailangan makabooking." asik ni Ranz at binato ang unan sa pinto.

"Sus, tigilan mo ko Ranz." asar ni Kai rito at binato rin ito ng unan.

"Oh anong plano natin? Magtititigan nalang hanggang antukin?." tanong ni Ranz habang nakatingin sa amin. "Wala kayong balak mag gala?."

"Ano naman gagalaan natin dito?." taas kilay kong tanong.

"Edi maghanap ng gagalaan eh, oh kaya inom tayo kahit isang bote." aya nito at tumayo para hilahin kami.

"Yayain mo sina Denver kung gusto." sabi ko rito at nauna itong lumabas para pumunta sa kabilang kwarto.

"Tara na." aya ni Kai at sumunod ako rito matapos magsuot ng Jacket.

"Nasa labas na raw yung dalawa." balita ni Ranz sa amin nang makalapit rito.

"Eh sina Dewie?." tanong ko pero umiling ito.

"Pagod na raw sila, kung di sila makakatulog mamaya susunod daw." sagot nito at naglakad na kami palabas.

"Nasaan ang mga yun?." kunot noong tanong ni Kai nang di namin makita si Denver at Rudolf sa labas.

"Order na ako." iniwan kami ni Ranz at nagtungo sa Restobar ng Resort.

"Doon tayo?." turo ko sa tabing dagat at nagsimulang maglakad nang tumango ang katabi ko.

Umupo kami sa buhanginan at nilasap ang malakas na hangin na humahampas.

"Sarap dito ano?." tanong ni Kai at humarap sa akin. "Lalo na kung kasama mo ang mahal mo."

Natigilan ako at agad itong iniwasan ng tingin, bigla akong nakaramdam ng kaba kung kaya nilaro ko nalang ang buhangin bago sumagot.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon