CHAPTER 41

9 1 0
                                    

"JAE"



"Nako kung nakita n'yo yung itsura ni Rhea kanina, she looks like she's about to cry! HAHAHAHAHA" tawang tawang kwento ni Zee about sa nangyari kanin habang nasa palengke kami ni Raffy.

"Sayang wala akoooo! Siguro mukhang tubol itsura nun ni Rheang natipus!" pambubuska naman ni Raffy.

"Yes! Nako! Matatawa talaga kayooo! HAHAHAHAHAHA" pag sang ayon naman ni Zee at nag apiran pa ang dalawa.

Alas dos na ng madaling araw at heto pa rin kami nina Zee at Raffy at nagku-kwentuhan.

Hindi na kami makalabas dahil nag take effect na ang curfew hours kahit na bukas pa talaga ang pormal na pagsisimula ng quarantine.

"Sayang, dapat nasa computer shop tayo ngayon eh! Napaka boring grabe!" bulalas ni Raffy.

Madaling nagkasundo si Raffy at Zee dahil halos parehas ang ugali ng dalawang ito.

As expected, puro kabaliwan ko dito ang kinukwento ni Raffy kaya napagtutulungan ako dito.

"Kaya nga eh! Maghapon lang tayong nasa bahay at nakatungaga" sambit ko naman.

"Gusto ko ng ice cream na cookies and cream. Ilang araw na akong nagccrave dun" sabi ni Zee.

"Buntis ka?!" bulalas naman ni Raffy

"Sira, hindi! Ginugutom lang talaga ako sa madaling araw!" sagot naman ni Zee.

Matapos nun ay sabay sabay kaming nagtawanan.

"Eh pano ka bibili eh curfew hours na?" sabi ko naman dito at nakaisip ako ng way para makaganti dito kay Zee dahil kanina pa nila ako inaasar ni Raffy.

"Tara baba tayo" yakag ko kay Zee at Raffy.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ni Raffy.

"Basta! Wag ka nang maraming tanong!" sambit ko naman rito.

"Hoy! Lalabas tayo? Eh di ba curfew hours na? Pag tayo nahuli uumbagan kita" bulong ni Zee.

Dahan-dahan kong binuksan ang gate at...

"Ranz? Bat ka nandito?!" halos pasigaw na bulong ni Zee.


"Ah-eh ah-eh ah-eh" kabadong sagot ni Ranz kay Zee, marahil ay natatakot dahil matalas na naman ang tingin nito sa kanya.

"If you're not going to answer, then let's go inside, Jae, Raffy, ayokong mahuli ng tanod" pagyayakag sa amin ni Zee.


"S-sabi kasi ni Jae, gu-gusto mo daw ng cookies and cream na ice cream, k-kaya binilihan kita." utal na sambit ni Ranz na halata mong takot na takot kay Zee.


Tinaasan naman ako ni Zee ng kilay na tila ba sinasabing "putangina mo ka, Jae."

Samantalang si Raffy naman ay halata mong kilig na kilig na sa kinatatayuan n'ya.


"Hmm! Di naman pala ako kasali dito, akyat na ulit ako! Tulog na ako! Aalis na pala ako bukas! BYE LOVE BIRDS!!!" sabi ni Raffy ay bumalik na sa loob.

Napabuntong hiniga na lamang si Zee.

"Fine! Thank you! Umuwi ka na at baka mahuli ka pa!" ani ni Zee kay Ranz.

Matapos sabihin iyon ay pumasok na si Zee sa loob dala ang ice cream.


"Sabi ko sayo eh, di makakatiis yun! Tsaka sabi oh baka daw mahuli ka pa! See! May care din sayo yun!" sabi ko kay Ranz, sabay kindat dito.


Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon