"KAI"
"Take me as you are, push me off the road. The sadness, I need this time to be with you."
Papalapit na ako sa plaza nang biglang dumami ang tao dahil nagsimulang tumugtog ang Hale, kung kaya medyo napabagal ang aking pag-abante at hindi ko agad makita kung saan nakapwesto sina Raffy.
"I'm freezing in the sun, I'm burning in the rain. The silence I'm screaming calling out your name."
Tangina talaga, nasaan ba yung mga yun, halos mahilo ako sa mga sigawan at halos makipagsiksikan ako, malayo pa nga ako sa pwesto kung nasaan ang mga Stalls para sa inuman eh.
"And I do reside in your light that put up the fire with me and find, yeah you'll lose the side of your circles that's what I'll so if we say goodbye."
Sa wakas ay nakapunta na rin ako kung saan nagaganap ang Live Band potek hindi ko akalain na biglang sugod ang mga tao dahil sikat na banda nga naman ang kakanta. Nagpahinga lang ako sandali at saka muling nakipagsiksikan para makita ang mga kasama ko.
"To be is all I gotta be, And all that I see, And all that I need this time. To me the light you gave me, the day you said goodnight."
"J-jae?." bulong ko nang makita si Jae na nakikipagsiksikan din papunta sa kinaroroonan ko, napangiti ako dahil nais nga nitong bumalik.
Pero agad akong napanganga ng makitang may humila kay Jae at inakbayan ito.
"J-jaro?." tawag ko sa pangalan ng lalake. Pinagmasdan ko sila at nakita ko ang pag ngiti ni Jae rito, hinawakan pa nito ang brasong nagkulong sa kanya para di hindi siya makaalis basta.
"If you could only know me like your prayers at night. Then everything between you and me will be alright."
Biglang nanginig ang mga tuhod ko sa aking nakita, nakaramdam ako ng panlalambot. Bigla rin ako napapunas sa aking pisngi ng maramdamang may pumatak doon.
"She's already taken, She's already taken She's already taken me."
Muli nanaman akong umiyak. Pinagmasdan ko ang luha mula sa aking kamay at binalik ang paningin kay Jae at Jaro na masayang nakikinig sa kanya.
"I'm already taken!." ewan pero bigla kong narinig ang boses ni Jaro na nangingibabaw, at tumingin ito kay Jae saka nginitian.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)