"JAE"
Alas singko ng umaga nang kami ay magkita-kita sa Plaza. Kailangan talagang maaga kami umalis dahil malayo ang aming pupuntahang Beach.
Sabay-sabay dumating sina David, Ranz at Kai na sa Computer Shop na nagpaumaga kung kaya walang tulog ang mga ito. Sina Rudolf at Denver naman ay sa bahay natulog dahil wala pang sasakyan patungo rito sa Muñoz ng ganitong oras kung sakaling aalis sila sa kanilang mga bahay. Si Dewie naman ay inaya ang katrabahong si Fae dahil siya lang ang nag-iisang babae sa amin.
Sakto naman at may dumaang Bus patungong Buklod kung kaya agad kaming sumakay roon. Si Kai ay pinilit na bitbitin ang mga dala ko kung kaya hinayaan ko na, siya rin ang tumabi sa akin sa Bus.
"Gisingin mo ko kapag nasa Buklod na tayo." ani nito matapos maghikab at dinantay ang ulo sa balikat ko.
Si David naman ay parang di nauubusan ng baterya, ang aga-aga ay napakadaldal agad at tawanan sila ng tawanan nina Rudolf at Denver, palibhasa ay kengkoy din ang dalawang ito kung kaya nakikipagsabayan sa kakulitan ni David."Kai." tapik ko rito nang makitang malapit na kami, agad naman itong nag-angat ng ulo at tumingin sa akin.
"Nandito na tayo." sabi ko pa at tumayo na nang tumigil ang Bus. Kinuha nito sa akin ang mga dala ko kaya wala akong nagawa.
"Taray Princess." asar ni Raffy sa akin at nag-apiran sila ni David, di ko nalang sila pinansin at bumaba na.
Tumigil kami sandali at nagwithdraw kami nina Raffy at Dewie ng pera, si David naman ay nakapag withdraw na raw at di kami makapaniwala ng yayain kami nitong lahat sa Jollibee para mag-almusal.
"Need yata natin bumili ng Bioflu." sabi ni Denver at sinapo naman ni Rudolf ang leeg at noo nito.
"Bakit?." kunot noong tanong ni Izza at rumehistro sa mukha ang takot. "May sakit ka?."
"Manlilibre ang hinayupak, baka lagnatin yan." sagot ni Raffy at nagkatawanan kami.
"Hoy, minsan lang to noh, ayaw niyo ba? madali akong kausap." ani ni David. "Tara na sa Terminal."
Nagkatinginan nalang kami ni Kai nang habulin nila si David at inawat maglakad. Dumeretso nalang kami sa Jollibee at inisa-isa kami nitong tinanong kung ano gusto namin at umorder sila nina Raffy.
"Tingnan mo mata mo." puna ko Kai habang pinagmamasdan ito. Ang pungay na ng mga mata nito sa antok pero nginisian lang ako.
"Sanay na kami." sabad ni Ranz at nag-apiran silang dalawa.
"Mga sanay, eh mga abnormal kayo." asar kong sabi sa mga ito pero tinawanan lang ako.
Matapos kumain ay nagpunta na kami ng Terminal at saktong kararating lang ng Bus papuntang Sipalay kung kaya sumakay na kami.
"Tabi tayo." bulong ni Kai at tinuro ang bakanteng upuan na pandalawahan. Pinaupo ako nito sa may bintana at pinatong sa taas ang aming gamit bago ito tumabi.
"Matutulog muna ako ulit, mahaba naman ang biyahe." nakangiti nitong sabi sa akin at kinuha ang jacket na dala ko at ginawang kumot.
Napatingin naman ako kay Raffy at Rudolf na kinindatan ako at binigyan ng nakakalokong ngiti, napailing nalang ako at sa binata nalang humarap.
Umandar ang Bus nang mapuno ito, nawala ang ingay sa loob at dahil hindi naman nakadantay ang ulo ni Kai sa balikat ko ay dumukwang ako para pagmasdan ang aking mga kasama.
Kinuha ko ang Cellphone ko at pinicturan silang mga nakanganga at sarap na sarap sa pagtulog at bumubungisngis na umayos ng pagkakaupo.
Dahil hindi naman inaantok ay kinuha ko nalang ang Lays sa bag ko at sinimulang kainin iyon habang nanonood ng Horror Movie na palabas sa TV.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomansaCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)