CHAPTER 48

10 1 0
                                    

"ZEE"

Parang kailan lang ay ECQ, pero halos maloka ako nang ibalita sa TV na magkakaroon ng mga areas na malalagay sa GCQ, I don't know kung matutuwa ba ako o hindi lalo at tumataas ang mga cases ng Virus ngayon.

"Oh, eto po, MGCQ na raw tayo." balita ni Jae matapos nitong bumaba at hawak ang cellphone.

"Pero hindi pumayag dito kung kaya GCQ tayo." dagdag pa nito.

"Mabuti na rin." sagot ni Tito Pords. "Maigi na rin para naman hindi tayo maboring dito."

"Sabagay saka maluwag na rin kahit papaano, makakalabas kayo." ani naman ni Tita Rosie.

"Pwede na ako makapagbook ng flight if ever." chika ko naman at tumango si Jae.

"Oo nga, pero wait lang tayo ng ibang announcement mula sa Airport, itatanong ko mamaya." ani ni Tito Pords kung kaya nagpasalamat ako rito.

Pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba, sa totoo lang ay hindi ko alam kung talaga bang tama itong nararamdaman ko kay Ranz, i miss him so much. Ilang araw na silang di napunta rito ni Kai, parang hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.

Parang may kulang kapag hindi ko naririnig ang boses niya, namimiss ko kung paano niya ako asarin, nakakaasar naman ang feeling na ito.

"Lalim ng iniisip ha." napalingon ako ng marinig si Jae na nagsalita at pumasok sa kwarto.

"Hindi naman." pinilit kong ngumiti at binalik ang tingin sa labas ng bintana.

"Kung ano man yan, piliin mo yung sa tingin mo ang nakakabuti." tapik nito sa balikat ko. "Kesa naman magsisi tayo sa huli."

"I know." sagot ko rito at napabuntong-hininga ako.

"Kaya mo yan, kilala kita. Alam kong kaya mo yan ses." ani nito at niyakap ako kung kaya napaganti rin ako ng yakap rito.

"Thank you talaga ate." sabi ko rito.

"Jusko kaloka ka, tayo na nga lang magbeshie eh wala yun." sagot naman nito.

Sumapit ang GCQ at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, tila naexcite ako ng marinig kay Jae na pupunta sina Kai at Ranz sa bahay. Shit! ito yung hinihingi ko last night na sign, kailangan ko siyang yayain lumabas at bumalik sa tinambayan namin para masukar kung ano talaga ang feelings ko sa kanya. Kung kaya naligo ako at nag-ayos ng sarili, hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil makikita at maririnig ko ang boses ni Ranz.

"Wazzup Guys!." sigaw ni Ranz nang makababa ako at saktong kakapasok lang nila sa pintuan. May dalang pizza ang mga ito para daw may mameryenda kami. Sina Tito at Tita ay umalis at dinalaw ang bahay ng anak na panganay sa Buklod kung kaya kami nanaman ang natira.

"Miss you baby!." ani ni Ranz sa akin at tinapik nito ang sofa at sinabing doon ako umupo.

"I miss you." napailing ako ng marinig kong nagsalita ang utak ko, sinawalang bahala ko nalang iyon at saka tumabi sa mga ito.

"Pwede ba tayong gumala?." tanong ko kay Ranz at tumango ito.

"Ay wow may date." ani ni Jae.

"Pwede rin, para masolo ko si Jae." ngising sabi ni Kai at hinampas ito ni Jae sa braso.

"Ayos lang." sagot ni Ranz at binigyan ako ng matamis na ngiti. Yung ngiting ewan pero parang nahihilo ako sa kilig, yun ang ngiting namimiss ko sa kanya.

"Tara." nakangiti kong anyaya at saka nagpaalam muna sa dalawa bago kami lumabas.

"Anong nakain mo at ginusto mo lumabas." ani ni Ranz, pabalik kami ulit sa gubat.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon