CHAPTER 26

17 2 0
                                    

"KAI"



Alam ko namang Finals week nina Jae ngayon at sa Sabado ay Finals na, kami naman ay wala na masyadong ginagawa sa School dahil malapit na namin matapos ang aming research at pinu-pulido nalang iyon ng aming Leader, kagabi nga ay chinat ko pa si Jae kaso ay sandali lang naman ito nagreply dahil lahat ng Subject niya ng Monday ay puro Major kung kaya kailangan talaga nito mag-review.



Alas onse palang ay wala na kaming klase kung kaya nagkayayaan na umuwi, sumama muna ako sa mga kaklase ko para naman may mapagkaabalahan, dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay dahil hindi magtitinda sina Mama at mag-aasikaso ang mga ito sa darating na Fiesta. Natutuwa rin naman ako na hindi na nila ako kinagagalitan at umaayos na rin daw ang aking grades. Akala nila ay dahil nag-iba ako ng School pero ang totoo ay dahil gusto kong may mapatunayan kay Jae na kaya kong magbago at dahil yun sa mga sinabi niya sa akin.



Kung dati ay wala akong pangarap sa buhay at talagang ineenjoy ko lang tila ba ngayon ay nagkaroon sa akin ng meaning kung bakit ako nandito ngayon. Pinamulat ni Jae sa akin ang lahat na hindi na ako bumabata at lalo na kapag nakapagtapos at nakapagtrabaho ako, hindi nga naman habanguhay ay nasa tabi ko sina Mama at ayoko rin naman maging pabigat sa mga kapatid ko kung sakali, kaya eto talagang ginagalingan ko. Nakapasok pa nga ako sa Top 10 nung 2nd grading eh, hindi makapaniwala ang pamilya ko noon akala nila ay may ginawa akong kalokohan kaya sila pinapatawag pero talagang nagulat sila nung malaman na Top 4 ako.



Mas maluwag na sila sa akin ngayon at hinahayaan nila ako mag computer, pero ako naman na ang umaayaw dahil nga may pinag-ipunan ako non, kaya bihira nalang ako magpunta sa Comshop at madalas sa bahay nalang tumatambay si Ranz at Pipoy. Hinahanda ko rin ang pagpasok sa College at gusto ko eh sa BU mag-aral para magkasama kami ni Jae ng School, edi hindi na sila magkakasabay ng gagong Jaro na yun sa pag-uwi dahil sa akin na siya hahaha.



"Slr kakatapos ko lang mag-exam, kain kana." basa ko sa message ni Jae at agad akong nagreply.


"Ikaw din, wag masyadong magpakstress." sagot ko at muling binalik ang phone sa aking bulsa. Kaya ko pa naman magtiis.



Sinundo ko sya sa may Palengke ng gabi at hinatid sa kanila, halata talaga sa mukha nito ang puyat dahil mukha itong sabog at nakasimangot, hindi nalang ako nagsasalita kung hindi rin lang ako nito kakausapin dahil baka may iba akong masabi na ikagalit nito, alam kong marami itong iniisip kaya di ako dumagdag.


"Tahimik mo yata?." puna nito habang naglalakad kami.


"Wala naman." nakangiti kong sagot rito at tumango lang ito.


"Napakasakit sa ulo ng mga exam, biglang humirap." kwento nito.


"Kaya mo yan ikaw pa ba." ani ko at hinimas ang likod nito.


"Tapos sasabayan pa ng project na may mali hay naku talaga Kai." kamot nito sa ulo kaya natawa ako.


Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon