CHAPTER 59

12 1 0
                                    

"JAE"

Sa sobrang puno ko na, sa sobrang sakit na ng mga nangyari, nabuo na ang desisyon na una ay kinatatakutan ko, pero wala akong choice. Ito nalang ang isang paraan para maging maayos ako.

"Bes." tawag ko kay Raffy habang nakatutok ito sa cellphone nito.

"Book me a flight." napanganga ito sa narinig mula sa akin.

"Are you serious?." tumango ako sa tanong nito.

"Ito nalang ang paraan." pinilit kong ngumiti rito, ayoko na umiyak. Pagod na pagod na ako umiyak.

Tiningnan muna ako nito ng matiim bago tumango at agad na tumipa sa cellphone nito.

"Kailan?." tanong nito.

"Bukas kung may available." sagot ko at napabalikwas ito ng bangon sa narinig.

"Jae." tawag nito sa pangalan ko.

"Intindihin mo nalang." sagot ko sa kanya. "Raffy hindi ko na kaya kung magtatagal ako rito."

"Buo na talaga desisyon mo?." muli akong tumango sa tanong nito. "Osige."

"Babalik ako." nakangiti kong sabi rito. "Babalik ako kapag tuluyan na akong nakalimot at natanggap ko na ang lahat."

"Basta mag-iingat ka doon." niyakap ako nito kung kaya gumanti rin ako.

"Mag-iingat ka rin dito at balitaan mo ako." ani ko sa kanya at muli nitong binalik ang atensyon sa cellphone.

Ako naman ay nag-impake na at nang nagtungo ako sa lamesa ay nakita ko ang aking Diary kung kaya kinuha ko ito at humarap kay Raffy.

"Bakit?." tanong nito at umupo.

"Iabot mo ito kay Kai kung sakaling magkita kayo." suyo ko rito at winagayway ang notebook.

"Para saan yan?." tanong nitong muli.

"Diary ko to, dito nakasulat lahat-lahat mula nung una ko siyang nakita hanggang sa nagmahalan kami, well kung minahal niya talaga ako." mapait kong sabi rito at muling pinatong sa lamesa ang diary.

"Wag kana masyado mag-isip Jae." tinapik nito ang balikat ko. "Masyado ka nang wasted."

Hindi nalang ako sumagot rito at pinagpatuloy ang aking pag-iimpake at nang matapos ay tinayo ko ang aking maleta at tinapik iyon.

Nagulat sina Tito Pords at Tita Rosie ng ibalita ko sa mga ito na uuwi na ako ng kinabukasan.

"Bakit naman ang bilis?." tanong ni tita sa akin.

"Emergency lang po." sagot ko naman rito at saka ngumiti. "Babalik po ako kapag ayos na ang lahat."

"Huwag kang mahihiya na bumalik ha." ani ni Tito Pords sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa akin rito." sabi ko sa kanila at niyakap silang dalawa.

Wala na akong ibang pinagsabihan bukod kay Zee at sa mga ito. Gusto ko maging lihim ang pag-alis ko para wala na ring gulo pa. Tutal wala naman na rin akong kailangan gawin rito eh.

Nagpunta sa Buklod si Raffy para bumili ng makakain, pa despedida daw kahit kami lang mga nasa bahay, dahil wala rin makakapagsabi kung kailan ako babalik.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon