CHAPTER 21

21 1 0
                                    

"JAE"


Sa wakas ay tapos na rin ang Midterm Exam, maraming naging issues ang nangyari sa section namin magmula nung pinili ako maging representative ng Mr.Freshmen kung kaya hindi ko ito nabigyan ng oras, lalo at sunod-sunod ang mga naging Events din ng School before at after at sumabay pa ang Midterm exams, kung siguro marami pang projects ay baka nagbigti na ako dahil sa sobrang stress.


"Nakakaloka." rinig kong sabi ni Stephanie ng makalapit ako sa pintuan ng aming classroom kung kaya umatras ako ng kaunti para di ako mahalata.



"Imagine mo, ginawa nating President si Casper pero hindi niya naman magampanan ang responsibilidad sa atin." dagdag pa nito sa kausap na si Carmella.


"Grabe ka naman." saway ni Carmella rito. "Nagagampanan niya naman pero talagang nalelate lang siya. Girl, may buhay din yung tao na sarili."


"Kahit pa noh." asik nito. "Kaya nga siya binoto eh diba."


"Tayo naman may gustong iboto siya diba?. Saka wala naman din akong nakikitang masama kung malate siya ng announce or what." sabat ni Valerie rito.


"Saka Vice ka niya diba? Bakit di mo tulungan gayong officer ka rin naman." sabi ni Carmella na ikinagulat nito. "Kesa nagkukukuda ka diyan."


"Tama!." napatingin ako sa kinaroroonan ni Willer, ang kaklase naming loko pero mabait. "Puro ka reklamo, akala mo naman napakaperpekto mo."



"Aba hoy!." tumayo si Stephanie at dinuro ito. "Alalahanin niyong ako ang nagsuffer nung may Event sa Filipino."


"Ginagawa mo?." halos mapalundag ako ng marinig ang bulong sa aking tenga at nakita ko si Jaro at sinenyasan akong huwag maingay.


"Walang kwentang President din si Jeremiah nun." sabi ni Stephanie sa mga ito. "Ako lahat gumalaw."


"Wow, lakas." asar ni Gerry rito. "Hoy wag mong isumbat yan dahil diba nagvolunteer ka na ikaw mismo magtatrabaho nun?."


Bakas sa mukha ni Stephanie ang pagkagulat sa sinabi ni Gerry. "A-anong nagvolunteer?."


"Tandaan mong halos mastress si Jeremiah dahil nag-iisip siya kung saan tayo magpapractice nun." tumayo si Gerry na para bang pinangangaralan ito. "Tapos lumapit ka at nagvolunteer na may alam kang Place. At nung araw na hindi sumipot si Jeremiah, sinabi mong ikaw na ang aako para naman walang maging problema as long as magpoprovide kami ng pera."

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon