CHAPTER 39

13 1 0
                                    


"KAI"

Ayun na nga! Pinakanakakabwisit na marinig at mapanood sa TV. Ang mabilis na pagkalat ng sakit ngayon at ang paghihigpit sa mga tao ng Gobyerno. Maigi nalang dito sa amin ay hindi gaanong naghigpit at pwede pa kami lumabas. Yun nga lang ay bawal kaming lumabas ng Buklod, sina Jae naman ay pumasok para mag-exam, mula nung lumabas ang balita sa sakit ay tinigil ang kanilang pagpasok, ngunit kailangan nilang bumalik para sa kanilang midterm. Kami naman ay tapos na kung kaya nakahold na rin ang pagpasok namin.

Pero sa totoo lang ay napakaboring na nga, kahit ang mga tao dito sa Muñoz ay nagpapanic at di ko maiwasang mapailing. General Community Quarantine lang naman kami, pero siguro di na rin talaga ito mawawala sa mga tao, ang matakot.

"Pagbili." napaangat ako ng ulo nang marinig iyon ay napangiti ng makita si Jae kasama si Zee. Nakauniform pa ito.

"Ses ano gusto mo?." tanong ni Jae kay Zee at hinayaan itong mamili. Ako naman ay nilapitan nito atsaka hinalikan ko ito sa pisngi.

"Baho mo." reklamo nito pero tinawanan ko lang.

"Grabe ka." sagot ko rito.

"Joke lang to naman." ani nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Well, well, well." napalingon kaming tatlo nang makita si Ranz at agad akong napatingin kay Zee at halos mapahagikgik ako ng makita itong sumimangot.

"Aba at nandito si Ganda." asar agad nito at nang kukurutin sana nito ang pisngi ni Zee ay umiwas ito at inambahan siyang sasapukin.

"Yang kaibigan mo may pagkasatanista talaga." iwas ni Ranz dito at tumabi sa akin.

"Hayaan niyo na wala sa mood." iling na sagot ni Jae at inaya si Zee umupo. Ako naman ay inihaw na ang mga inorder ni Jae para makakain na ang mga ito.

"Kamusta school?." tanong ko rito.

"Ayos lang, ayun panic ang mga tao ang OA lang." natatawa nitong sagot. "Ah bukas nga pala kina Jaro ha."

"Yun takam na takam na ako sa mangga." palakpak ni Ranz at nakipag-apiran kay Jae.

"Ikaw Ganda?." baling nito kay Zee. "Manggang-mangga ka na ba?."

"Leche!." asik nito rito. "Kai ilayo mo yang kaibigan mo baka makaisa nanaman sa akin yan."

Napailing nalang ako at nang matapos ihawin ang mga ito ay nagpabili si Jae ng softdrinks na 1.5 at saka nila nilantakan.

"Kaya niyo ba ubusin yan?." nakakunot noo kong tanong. Halos dalawang daan ang presyo ng binili nito.

"Syempre tutulungan niyo kami." sagot ni Jae at inabot sa akin ang isang hotdog.

Pagdating ni Ranz ay nakipag-agawan agad ito. Marami pang natira sa totoo lang pero sinabi ni Jae na ubusin daw namin, kung kaya naghati kami ni Ranz.

"Napakatakaw." reklamo ni Ranz ng kumuha ako ng isaw at inagaw ito saken.

"Puta." asik ko rito at inambahan ito ng suntok.

Chasing FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon