"JAE"
Mabuti na rin at nakabalik na sina Raffy at Dewie mula sa Buklod, one week lang ang GCQ sa amin at nilagay nila agad si MGCQ dahil wala namang positive cases at minimal lang din ang cases sa Buklod at saka naagapan naman.
Agad din ako nagpunta ng School para maasikaso ang mga projects na kailangan naming ipasa dahil nagkaroon kami ng Online Classes, at dahil din hindi kayang magprovide ng halos mga students sa school dahil public kami ay nagpaspecial ang project ang iba at kailangan ipasa sa school.
Natatawa na lang din ako dahil kapag yayayain ko si Zee ay tumatanggi ito, madalas din itong sunduin ni Ranz at panay ang gala nila sa Muñoz, natutuwa naman ako dahil nakikita kong nag-eenjoy siya kay Ranz at halata mo ang saya sa mukha niya, He is doing better.
Si Kai ang madalas kong bitbit kapag napunta ako ng School, tinulungan ko rin siya sa paggawa ng mga projects na kailangan rin niya sa school para macomplete ang kanyang grades at para makagraduate siya.
"Alam niyo nakakaboring." sigaw ni Raffy habang nakatambay kaming apat nina Dewie sa salas at panay lang kami cellphone.
"True." tangong sagot ni Dewie at saka sumalampak ng higa sa sofa.
"Ano ba magandang gawin, di naman tayo pwede magswimming." sabi ni Raffy at nagkatinginan kami ni Zee.
"Try ko check wait." sabi ni Zee at tumipa ito sa phone nito.
"Gora!." napapalakpak si Zee kaya bigla akong napangiti.
"May magagawa na ba tayo?." tanong ni Dewie at tumango ako.
"Yes." sagot ni Zee. "Nung nag monthsarry sina Jae at Kai ay naligo kami sa ilog."
"Pwede tayo don?." tanong ni Raffy at tumango kami.
"Na kay Kai pa raw ang susi ng bahay nina Denver." sagot ni Zee kung kaya agad napabangon si Dewie.
"Myghaaad! go na tayo!." ani nito. "Need natin mamalengke go na yan."
"Chat ko si Jaro para may sasakyan tayo." sagot ko naman sa kanila at saka tumayo na.
"Kami na ni Dewie pupunta ng Palengke, chat ko rin si David at Rudolf, masaya to." excited na sabi ni Raffy at nagkatilian kami.
"Anong nangyari bakit kayo sumisigaw?." napatigil kami ng biglang magsalita si Tito Pords at lumabas ng kwarto.
"Ay sorry Pa, wala lang may nakita lang kami sa cellphone." hinging paumanhin ni Dewie rito at saka ito bumalik sa kwarto.
Nagkanya-kanya kaming toka sa mga gawain at saka nag-ayos, pumayag si Jaro kung kaya mas masaya ang mga mangyayari. Namalengke na ang dalawa at maya-maya ay dumating na rin si Kai at Ranz dala ang mga bag nito.
"Ang saya!." sigaw ni David ng makababa kami ng sasakyan, sumunod na rin kami at pinark lang ni Jaro ang sasakyan sa ilalim ng puno ng mangga at sumunod na rin ito sa amin.
Binuksan ni Denver ang bahay at saka namin binaba ang mga gamit.
"Kapag gusto pala natin magswimming eh pwede pala dito ano Denver." ani ni Rudolf sa kaibigan at saka umupo sa sofa.
"Oo basta sabihin niyo lang kung kailan." sagot naman ni Denver. "Para may tao rin dito."
"Ayusin ko lang mga pagkain." sabi naman ni Kai at tinulungan ko ito at saka lumapit si Jaro.
BINABASA MO ANG
Chasing Fantasy
RomanceCredits to rightful owners of the artworks I've used for my book cover. :)